Advertisers
HINDI dapat magpatumpik-tumpik sina Region 4A National Bureau of Investigation (NBI) Dir. Atty. Janet Francisco at NBI Dir. Atty. Jaime Santiago pagkat patuloy ang “pambubukol” sa kanila nina alyas Jack at Santino. Tuloy ang pangingikil ng mga ito sa mga ilegalista gamit na panakot ang pangalan ng tanggapan ng NBI na lubhang nakakasira sa imahe ng premyadong investigating arm ng pamahalaan.

Kailangan gamitin ang “kamay na bakal” nina Atty. Francisco at Atty. Santiago upang maipaaresto at patunayang walang kinalaman ang kagawaran ng NBI sa protection racket activities nina alyas Jack at Santino.
Kasapakat nina alyas Jack at Santino si alyas Aldwin sa kanilang pangingikil sa Batangas. Si alyas Aldwin ay “kapustahan” o police tong collector din ng ilang opisyales ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG); sa Quezon ay si alyas Russel; sa Laguna ay si alyas Onyok; sa Rizal ay si alyas Sgt. Marcial at sa Cavite ay si alyas Sgt. Sagpao na kilala din sa mga alyas na Jorge at Rigor.
Babala nina alyas Jack at Santino sa mga ilegalista ay maging maagap sa paghahatag sa kanila ng libong lingguhang suhol, lagay o intelhencia at kung hindi ay ipari-raid ng mga ito sa mga NBI agent ang kuta ng kanilang mga iligal.
Ang iba pang mga ilegalistang kinokotongan nina alyas Jack at Santino ay ang mga sumusunod:buriki/paihi ng isang alyas Amigo sa kahabaan ng Maharlika Highway, Tierra De Oro Resort, Brgy. San Antonio 1, San Pablo City; buriki nina Amang, Aldo at Violago na sa Brgy. Bancal, Carmona City, Cavite; sburiki ni alyas Balita sa compound ng isang saradong beach resort sa Brgy. Simlong Batangas City na “pinapatungan” ng ilang local police at barangay official sa looban ng mahabang panahon; buriki ng isang alyas Charlie malapit sa Talisay Elementary School sa bayan ng Tiaong at sindikato ng magkasosyong Sammy at Alfred sa Brgy. San Luis sa Guinyangan, Quezon.
May 100 na pergalan na may shabuhan sa buong CALABARZON ang may Php 80k weekly intelhencia din kina alyas Jack at Santino. Kabilang dito ang inooperate nina Baby Tomboy, Ka Rudy, Pajon at Rommel sa Brgy. 3 Poblacion Nasugbu, Brgy. Sambat sa bayan ng Padre Garcia. Maglalatag pa ang mga ito ng isa pang pergalan sa Tanauan City Proper sa kabila ng pagtutol ng mga mamamayan, pergalan din ng mga ito sa Poblacion Naic at sa likod ng Jollibee Cavite City, at pergalan ni alyas Arnel Bangag sa Poblacion Calaca City. May pergalan din ang mga drug pusher na sina alyas Glenda at Utoy sa Brgy. Sto. Nino, Ka Mundo sa Brgy. Mataas na Bayan, Norma sa Brgy. Del Pilar pawang sa bayan ng San Pascual, Francia sa Brgy. Payapa, Lemery, Tina sa Brgy. Malimatoc at Brgy. Sinala kapwa sa bayan ng Mabini, at alyas Mely sa bayan ng Mataas na Kahoy, Batangas.
May paldo-paldo ding kinokolekta sina alyas Jack at Santino mula sa policewoman/ gambling lord na si alyas Sgt. Michelle, kasosyong si alyas Cueto Figaro at alyas CJ Rosales, sindikatong Big 4 na kinabibilangan nina Ana Tomboy, Ycarro, Lescano, Boy Recto at Gary, at ng 30 iba pang bookies maintainer sa Lipa City.
Sa Lumina Housing Compound sa Brgy. Tanguay, Lipa City ang rebisahan ng taya sa bookies nina alyas Sgt. Michelle alyas Cueto Figaro at alyas CJ Rosales, ngunit hindi masugpo ng mga operatiba ni Lipa City Police Chief LtCol. Aleli Buaquen sa takot ng mga pulis sa impluwensya ng grupo nina alyas Jack at Santino.
May kolektong din higit sa Php 600 sina alyas Jack at Santino sa mga bookies operator na sina Arnaiz at alyas Konsehal sa bayan ni Taysan Mayor Brigido Villena.
Sina alyas Arnaiz at alyas Konsehal ang nasa likod din ng talamak na operasyon ng may 20 illegal quarry sa mga kabundukan at kagubatan at sa maraming barangay sa naturang bayan.
Sila din ang promotor ng illegal quarry operation sa Taysan, ngunit nawalang parang bula ang init ng imbestigasyon ng NBI at DENR at iba pang ahensya ng pamahalaan laban sa mga ito nang mabunyag ang korapsyon sa pag iisyu ng Safe Way Permit kaugnay sa laganap sa illegal quarry sa naturang bayan.
Pinagbabayad ng Php600 ang bawat dump truck driver upang pahintulutang silang makalabas-masok sa mga illegal quarry site upang makapaghakot ng graba at panambak na ipinahuhukay ng mga Chinese National sa Taysan na ilegal ding nakapasok sa bansa. May Karugtong.
***
Para sa komento: Cp.No. 0966 406 6144.