Advertisers
Muling pinatunayan ng katotohanan — binasura ng Office of the Ombudsman ang kasong isinampa laban kina dating Mayor Antolin “Lenlen” Oreta III at Konsehal Jose Lorenzo “Enzo” Oreta.
Sa inilabas na Joint Resolution, nakasaad na walang sapat na ebidensya at walang probable cause ang mga paratang laban sa magkapatid na Oreta. Lumabas din sa mga dokumento na parehong grupo at law firm ang nasa likod ng mga dati pang kasong nauna nang ibinasura rin ng Ombudsman.
Ayon sa mga nakasubaybay sa isyu, malinaw na paulit-ulit na lang ang ganitong taktika — ginagamit ang Ombudsman sa paninira at panggugulo sa politika. Sa kabila ng pag-uulit ng mga reklamo, iisa lang ang resulta: dismissed dahil sa kawalan ng basehan.
Nagpatunay ang naturang desisyon na walang katiwalian o pag-abuso sa tungkulin ang napatunayan laban sa magkapatid. Isa itong malinaw na mensahe laban sa mga gumagamit ng pormal na proseso para sa sariling interes.
Sa Malabon, marami na rin ang nakakakita sa ganitong estilo ng pulitika — mga reklamong inuulit nang inuulit, pero sa huli, katotohanan pa rin ang nananaig.(RA)