Advertisers

Advertisers

CARLOS YULO, HIRIT SA FIG FINALS

0 12

Advertisers

PATULOY na pinagpipiyestahan sa social media ang posts ng aktibidades ni Golden Boy CARLOS EDRIEL YULO na as usual ay pinagsasaluhan ng to and pro’s o supporters at bashers.

Pasok si CARLOS sa Finals ng Men’s Vault and Floor Exercise ng 53rd FIG Artistic Gymnastics World Championships 2025 sa Jakarta, Indonesia.

Meanwhile, desisyon ni Golden Boy na mag-skip sa SEA Games 2025 dahil sa restrictions ng Host country Thailand, na limitado ang pwedeng salihan,isang apparatus lang per individual event. Overqualified ba, tanong ng netizens. Suportado naman ni Gymnastics Association of the Philippines (GAP) President CYNTHIA CARRION ang desisyon ni YULO, sa choice na bigyang-daan na lang ang teammates na hangad din mag-shine, Sa Gymnastics.

O, syempre naman po, mabenta sa netizens ang ganyang posts, at hirit ang bashers na gustong ibagsak ang Paris Olympics 2024 Double Gold Medalist ng Pinas, first ever record in a span of about a century, na sinasalag naman ng supporters at followers ng Sports na saludo sa naitalang record ng Isang Pinoy sa International scenario.

Pasok na naman sa socmed ang comparison sa magkapatid na CARLOS EDRIEL at MARK ELDREW, base sa bagong posts ng kampo ng Ina nilang si ANGELICA POQUIZ YULO na niregaluhan umano ni ELDREW ng kotse ang magulang mula sa cash incentives sa panalo nito..Ang tanong, regalo ba ng anak o ibinilin ng kotse ng ina para sa publicity ni ELDREW at supalpal sa pinalabas na image ni CARLOS na tinalikuran sila, dahil sa paggasta ng Php11M na walang abiso Kay CARLOS?

Kanya-kanyang paniniwala at obserbasyon sa YULO family feud ang Sports followers na nag-ugat sa bullying posts ni Mrs.YULO kay CARLOS, pagkampi sa mga kalaban nito, paninira sa sariling anak at presscon nang makapag poste ng Twin Gold championship record sa Sports history ng Bansa, sa kabila ng una niyang sigaw na ‘Hinding-hindi ka mananalo kahit ilang rosaryo pa (ang dasalin), sabay takwil sa anak na pumalag sa trato ng Ina

Matagal nang isyu pero balik-balik dahil sa malalang contents sa socmed. Iba ang contents creators sa mga pasabog. May post ng video na:sinabi umano ni CARLOS na ‘magnanakaw at sinungaling ang Ina’ sa isyu ng P11M at GAP allowance na simot nang bumalik ito mula Japan, na walang abiso ang Ina’, kundi pa nag-notify ang banko sa anak

Isa pang tanong, di ba fake ang video, dubbed by someone for content na master ngayon ng ilang content creators?

Bash to the max din ang inaabot ng lovers na sina CARLOS, 24 y/o at CHLOE ANJELEIGH SAN JOSE, 22 y/o, modern fashion influencer na di aprub kay Mrs YULO. O, di ba. Daming anggulo ng istorya na pinagpipiyestahan ng netizens na sinawsawan na rin ng ilang showbiz figures led by AIAI DELAS ALAS at ELIZABETH OROPESA.

Well, whatever, sa kabila ng bashings kay CARLOS, maganda ang Samahan nila ni ELDREW bilang magkuya, saksi po kami sa presence nila sa nagdaang SAN MIGUEL- PSA Awards Night. Nakatanaw po kami sa individual contributions ng ating mga atleta na tagumpay at karangalan para sa bansa, inspirasyon naman especially sa aspiring athletes. Let’s all support Philippine Sports! HAPPY READING!