Advertisers

Advertisers

DESTABILISASYON

0 117

Advertisers

HINDI saktong kudeta ang tumbok na mga nakalipas na pangyayari kontra sa gobyerno ni BBM. Mas marapat na tawagin itong destabilisasyon. Gusto lang ng mga taong hindi kumporme sa kanya na ugain ang gobyerno. Yugyugin, sa maikli. Kung nakalusot, nais nila na humalili sa kanya si Misfit Sara.

Iyan ang nakakatakot. Hindi kilala ang Bisayang lider sa kalinawan ng pag-iisip. Amok si Misfit Sara. Huramentada, sa tuwirang salita. Aabusuhin lang ang poder ng panguluhan kung sakaling malaglag si BBM at siya ang pumalit.

Hindi sila marami. Kaunti lang sila. Pero labis na maingay. Karamihan ay mga retiradong opisyales ng Sandatahang Lakas at PNP. Wala silang tauhan at mas lalong walang armas na pampuksa na kasisindakan ng sambayanan. Huwag akalain na magaling sila. Hindi sila magaling. Mas angkop na tawagin silang dikit sa makapangyarihan.

Ang pinakamalaki nilang problema ay suporta. Wala silang suporta sa sambayanan. Simple lang ang katwiran ng mga ordinaryong tao. Kung si Misfit Sara ang papalit, pagtiyagaan na lang nila si BBM. Hayaan na lang nila na matapos ang termino ni BBM sa 2028. Sandali na lang iyan at makapaghihintay sila.

Bahagi sa kanilang plano na himukin ang Sandatahang Lakas at PNP na bawiin ang kanilang suporta sa kanilang Commander-in-Chief na si BBM. Ngunit ng tanungin kung sino at ano ang ipapalit at isinagot si Misfit Sara, pandidiri ang kanilang nadama sa susunod na eksena. Hindi sila pumayag.

Nang banggitin na kung ayaw nila kay Misfit Sara, iginiit nila na ang kapalit ay hunta. Hindi pumayag ang pamunuan ng AFP at PNP. Hindi dahil ayaw nila kay Misfit Sara at sa panukalang hunta. Ang totoong dahilan ay itinuturing nila ang sarili na mga constitutional soldier at police officer. Ang kanilang katapatan ay sa Saligang Batas at chain of command. Hindi sa sinumang Pilato na nakaupo sa Malakanyang.

Hindi sila sang-ayon na basta isantabi ang Konstitusyon at maghahari ang dilim sa katauhan ni Misfit Sara at mga retiradong opisyal na kasama sa panukalang hunta. Tapos ang kuwento. Wala ng dagdag pa.

***

Pinag-uusapan na rin lang ang destabilisasyon sa gobyerno, alam ba ninyo na magpapatuloy ito sa buong Nobyembre? Mainam na subaybayan dahil may mga nakatakdang pagbabago upang ganap na mapawi ang pangamba ng destabilisasyon.

Hindi kami magtaka kung ibalik si Gen. Nicolas Torre III bilang hepe ng PNP. Ito ang dahilan kung bakit hindi tuluyang nagbitiw si Torre. Hindi siya nakipagsunugan ng tulay kay BBM. Batid niya na kakailanganin siya si BBM at ibabalik sa takdang panahon.

Hindi kami magtaka kung bumalik si Kin. Martin Romualdez bilang ispiker ng Camara de Representante. Kung napansin ninyo, hindi gumagalaw ang bagong pinuno ng Camara si Ispiker Bojie Dy ng Isabela. Tanging si Reggie Velasco lang ang pinalitan ni Cheloy Garafil bilang Secretary-General ng Camara. Dumating na kasi sa takdang panahon upang magretiro si Velasco. Matanda na si Reggie at matindi ang rayuma.

Huwag magtaka kung hindi magnombra si BBM ng bagong kalihim ng DoJ bilang kapalit ni Boying Remulla na iniluklok ni BBM na bagong Ombudsman. Team pa rin ni Boying ang nasa DoJ. Mas may tiwala siya sa team na iyan.

Hindi iluluklok ni BBM si Diosdado Peralta bilang kapalit ni Boying. Isang pagpapatiwakal na ipalit si Peralta dahil may iba itong agenda. Hindi rin magaling si Peralta. Nadikit lang kay GMA at kalaunan kay Gongdi.

***

IMINUMUNGKAHI namin kay Bato dela Rosa (kinilabutan kaming tawagin siyang senador dahil hindi bagay) na magnobena siya sa St. Jude, ang patron ng mga imposible. Hindi matatapos ang taon na ito at bababa ang arrest warrant niya mula sa ICC. Huwag siyang umasa na bibigyan siya ng proteksyon ni Senate President Tito Sotto.

Hindi mangyayari iyon at hindi papayag si Sotto na taliwas sa daloy ng kasaysayan. Ibibigay siya ni Sotto sa arrest team ng Interpol at PNP kung sakaling sa bulwagan ng Senado siya arestuhin. Hindi siya malalayo sa kapalaran ni Gongdi na hinuli noong ika-11 ng Marso ng taong ito sa NAIA.

Hindi namin alam kung ano ang kapalaran ni Bong Go( nangingilabot rin kaming tawagin na senador) dahil atsoy lang siya ni Gongdi. Tulad ni Bato, malaking papel ang ginampanan ni Bong Go. Siya ang itinuturing nagpatupad ng sistema sa pagbibigay ng pabuya sa mga police officer na sangkot sa madugo pero palpak ng giyera kontra droga. Abangan.