Advertisers

Advertisers

BUKSAN, KUNG HINDI KAWATAN!

0 6,687

Advertisers

MAHIGPIT ang pagtutol ng kampo ni VP Sara Duterte sa impeachment trial na huwag buksan ang financial records ng Bise- Presidente at ng asawa nito kaugnay sa mga kasong inihain ng House of Representative Justice Committee sa Senado.

Inaabangan ng balana na mabulatlat ang selyadong Bureau of Internal Revenue (BIR) records at ang ulat ng Anti-Money Laundering Council na posibleng magpapakita ng Php 6.7 bilyones na suspicious bank transaction ni Inday Sara at ng asawa nito.

Acting PNP Region 4A Dir. PBGen. Dominic Baccay at VP Sara Duterte

Ang kaduda-dudang Statement of Assets, Liabilities and Networth, (SALN) noong 2019-2024 ni VP Sara at asawa nito ay nais din ng sambayanan na suriin ng panig ng “prosecution” upang pagbatayan ng malaya at walang kinikilingan paghuhusga.

Malaya at walang kinikilingan nga kaya ang magiging desisyon ng mga senator-judge gayong ngayon pa lang ay tandisang nagpapakita na ng kanilang tunay na kulay sina Cawatano at ang bopol at ex-convict na si Robin Hood?

Iginigiit ng isang abogagong Intsik na hindi dapat ilantad ang mga financial record lalo na ang mga bank account transaction nina VP Sara pagkat anila ito ay paglabag sa RA 1405 (Bank Secrecy Law).

Ngunit malinaw na may exemption sa naturang batas: maaaring buksan ang mga BIR, bank record at AMLC report kapag ang mga kaso ay nililitis ng Impeachment Court, hukuman o kaya may pahintulot ang Pangulo ng bansa na ilantad ito.

Hindi dapat pagkaitan ang mga mamamayan na malaman ang tunay na impormasyon, pagkat baka sila ay niloloko na ng tiwaling halal o lingkod-bayan. Kung hindi kawatan sina VP Sara ay wala silang dapat ikatakot at itago sa harap ng Senate Impeachment Court!

NAKAWAN SA IBAAN, MALALA KAYSA COVID 19!

MAGING ang mga nakaupong mambabatas at maging mga dating lawmaker ay nagkakaisang mas grabe ang krisis sa petrolyo ng bansa kaysa COVID 19 pandemic noong 2020- 2023.

Ginagawa lahat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (PBBM) upang maibsan ang matinding suliranin sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, ayon kay ex-Senator Koko Pimentel.

Ngunit hindi alam nina PBBM at ex-Senator Pimentel na may ilang mga local at barangay official, police at iba pang mga law enforcement officer ang hindi nakikipagtulungan na matugunan ang naturang problema.

Sa bayan ng Ibaan ay lalo pang pinalalala ang krisis sa petrolyo ng grupo ng tulisan na si alyas Bunny na kilala ding Sgt. Mercado at ng financier na Intsik dahil sa lantarang pagpapanakaw ng mga ito ng Liquified Petroleum Gas (LPG) at iba pang petroleum product.

Ang mga pinasingaw na kemikal ay isinasalin sa mga empty LPG tank at ang mga krudo, gasolina at iba pang produktong petrolyo ay inililipat naman sa malalaking plastic container mula sa mga tanker truck at iniimbak sa kanilang kuta Ibaan exit na may 300-500 metro lamang ang layo sa STAR Tollway.

Inatasan ni Acting PNP Region 4A Dir. PBGen. Dominic Baccay si Batangas PNP Acting Provincial Dir. Col. Oliver Ebora na sawatain ang operasyon ni alyas Bunny/Sgt. Mercado. Tumalima naman kaya sa atas na ito sina Col. Ebora, Ibaan Police Chief Maj. John Leo Cuasay at Mayor Jane Casas, sa harap ng ulat na may daang libo na payola sina alyas Bunny/ Mercado at ang amo nitong Chinese military spy? May karugtong…

***

Para sa komento: Cp.# 0966 406 6144