Advertisers

Advertisers

Marian Rivera kinilalang Asia’s Most Internationally Acclaimed Film and Television Actress sa IGSEA 2026

0 6

Advertisers

By Anne Venancio

Kinilala ang Kapuso actress na si Marian Rivera bilang Asia’s Most Internationally Acclaimed Film and Television Actress sa International Golden Summit Excellence Awards (IGSEA) 2026.

Inanunsyo ng IGSEA sa kanilang opisyal na Facebook page na pinarangalan si Marian dahil sa kanyang natatanging talento, dedikasyon, at passion sa pag-arte. Ayon sa award-giving body, patuloy niyang ipinapakita ang kahusayan sa film at television at nakagagawa ng makabuluhang epekto sa industriya.

Nakatakdang tanggapin ni Marian ang nasabing parangal sa awarding ceremony na gaganapin sa Hulyo 21 sa Metropolitan Premier Taipei sa Zhongshan District, Taipei, Taiwan.

Dagdag ito sa mga natanggap na pagkilala ng aktres ngayong taon. Kamakailan lamang ay ginawaran siya ng Modern Grand Slam Best Actress Award sa Dangal ng Pinas 2026. Nauna rin siyang kinilala ng Philippine Arts, Film & Television Academy (PAFTA) bilang Best Actress para sa kanyang pagganap sa pelikulang Balota.

Sa patuloy na pagdami ng kanyang mga parangal, nananatiling isa si Marian Rivera sa mga pinakakilalang aktres sa industriya ng pelikula at telebisyon sa Pilipinas.