Advertisers

Advertisers

Marlon “Marvelous Captain” Manalo tutumbok sa Philippine Open

0 22

Advertisers

MULING magbabalik ang Pilipinong cue artist na si Marlon “Marvelous Captain” Manalo sa Philippine Open, kung saan nakatakda siyang harapin ang dating world champion na si Ralf “Kaiser” Souquet ng Germany sa Gateway Mall sa Araneta Center, Cubao.

Ang kaganapan ay nagmamarka ng pagbabalik ni Manalo sa lokal na eksena ng billiards matapos ang mahabang pahinga, na muling binubuhay ang mga alaala ng kanyang mga nakaraang tagumpay laban sa mga alamat na sina Efren “Bata” Reyes at Francisco “Django” Bustamante.

“The Philippine Open tournament will be a good test for me, that’s why I prepared well for it,” Wika ni Manalo, na nanateling nirerespito sa larangan ng international pool circuit.



Ang 47-taong-gulang na beterano, na palangga at kilala bilang “Ang Kahanga-hangang Kapitan,” ay nananatiling positibo tungkol sa kanyang pagkakataon na muling makamit ang karangalan.

“I still believe I can become a Philippine Open champion,” dagdag ni Manalo, na multi-time winner sa U.S. Pool Circuit at runner-up sa Reyes sa 2004 World 8-Ball Championship.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">