Advertisers
ITINUTURING ni Ombudsman Crispin Remulla ang Pharmally scandal na pinaka-high-profile backlog ng kanyang opisina.
Kasama sa nahaharap sa mga akusasyon ng katiwalian, na umano’y sobrang presyo ng medical supplies na ibinigay ng Pharmally Pharmaceutical Corp.. si dating Pangulo Rodrigo Duterte at kanyang aides sa kasagsagan ng Covid-19 pandemic.
Sinabi ni Remulla na malaki ito dahil hindi tumigil ang impunity pagkatapos noon.
Aniya, isang simbolo ang Pharmaly ng impunity na hindi natatakot ang mga tao na mahuli.
Nahakot ng Pharmally ang P8.68 bilyong kontrata sa Department of Budget and Management sa kabila ng pagkakaroon ng paid-up capital na P625,000 lamang noong 2019.
Nanindigan ang administrasyong Duterte na aboveboard ang mga deal.
Noong nakaraang linggo, iniutos ni Remulla ang pagbawi ng mga Pharmally-related cases na hindi pa sumasailalim sa arraignment mula sa Sandiganbayan para sa muling pagtatasa.
Sinabi niya na nais niya muling suriin ang mga kaso upang matiyak na handa na ang mga ito para sa paglilitis sa sandaling muling ihain sa anti-graft court. (Jocelyn Domenden)