Advertisers
Inanunsyo ng Alliance of Concerned Teachers-Philippines (ACT) ang planong sit-down strike sa katapusan ng Nobyembre, kasabay ng anti-corruption protests sa Nobyembre 30.
Binanggit ng ACT ang 2024 Functional Literacy, Education, and Mass Media Survey (FLEMMS) na nagpakita na halos 25 milyon na Pilipino ay functionally illiterate, patunay ng matagal nang kakulangan sa pondo at sistemikong problema sa edukasyon.
Ipinunto ni ACT Chairperson Ruby Bernardo na sa kabila ng pagsisikap ng mga guro, patuloy ang krisis dahil sa masisikip na silid-aralan, lumang paaralan, mababang sahod, at labis na workload, at lalo pang pinapalala ng maling alokasyon ng pondo ng gobyerno.
Hinihikayat ng grupo ang istruktural na reporma, kabilang ang malaking pagtaas sa budget sa edukasyon, disenteng sahod para sa guro, mas maliit na bilang ng estudyante sa bawat klase, climate-resilient na silid-aralan, sapat na learning materials, at mahigpit na hakbang laban sa kahirapan at korapsyon sa edukasyon. (Boy Celario)