Bible seminar para sa kapayapaan, matagumpay na idinaos ng Shincheonji kasama ang 1000 religious, social leaders mula sa 59 bansa
Advertisers
Sa gitna ng mga digmaan at labanan sa maraming lugar sa mundo, isang Bible seminar na nagpapalaganap ng kapayapaan ang matagumpay na idinaos sa South Korea, kung saan mahigit 1000 religious at social leaders ang dumalo, dahilan upang ito ang maging pinakamalaking interfaith gathering sa ngayon ng Shincheonji Church of Jesus, the Temple of the Tabernacle of the Testimony SCJ).
Inihayag ni Shincheonji Church of Jesus, the Temple of the Tabernacle of the Testimony Chairman Lee Man-hee nitong ika-6 na matagumpay na nagtapos ang “3rd Special Lecture on Revelation for All Nations, na ginanap sa loob ng tatlong gabi at apat na araw simula Oktubre 30.
Isang international exchange program ang Special Lecture on Revelation for All Nations na naghahangad ng interreligious dialogue at kapayapaan, na nakatuon sa propesiya at katuparan na nakatala sa aklat ng Pahayag. Simula noong unang sesyon noong Pebrero 2024, lumawig ang mga sumaling mga bansa at denominasyon sa bawat sesyon, na naging daan upang tawagin itong “platform for dialogue among global religious leaders.”
May temang “The Path of Understanding Guided by the Bible, the Path of Peace Walked Together by Religions,” dumalo ang mahigit 1,000 kalahok sa ikatlong Special Lecture on Revelation for All Nations, kabilang ang 440 religious leaders mula sa 59 bansa, kung kaya itinuturing itong pinakamalaking event sa lahat.
Noong nakaraang taon, nagtala ang Shincheonji ng 120 religious leaders na kalahok samantalang dinaluhan naman ang kauna-unahan ng may 80 lider mula sa ibat ibang denominasyon mula sa 28 bansa.
Maliban sa Revelation lecture, nasiyahan din ang mga kalahok sa ibat ibang programa kabilang ang ang joint prayer meeting kung saan nagdasal sila para sa kapayapaan ng mundo, “Path to Heaven” (isang true or false Bible quiz), “Biblical Time Travel” performance kung saan naramdaman ng mga kalahok ang puso ng isang pastol sa Bibliya, at isang “Roundtable” para i-promote ang kultura ng kapayapaan. Komento ng mga religious leader, puno ng tawanan at iyakan na may malasakit at pagkakaisa ang palitang ito.
Natutunan ng mga lider mula sa ibat ibang religious denomination, kabilang ang Kristiyanismo, Budismo, Islam, Hinduismo, at Confucianismo ang propesiya at katuparan ng aklat ng Pahayag at nadiskubre ang pagkakahawig sa kanilang mga kasulatan at mensahe ng kapayapaan.
Kabilang sa ibinahagi sa event ang mga halimbawa ng “pagpapraktis ng kapayapaan,” ang layunin ng Special Lecture. Ipinaliwanag ni Venerable Sok Bunteuun, Director ng Buddhist Higher Education Department ng Cambodian Ministry of Culture and Religion, na lumahok sa 2nd International Lecture, na ipino-promote niya ang interreligious exchange sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga lecture tungkol sa aklat ng Pahayag sa mga Buddhist temple sa kanyang bansa. Aniya, noong nakaraang taon, may 120 religious leaders ang event, ngunit ngayong taon naging isa na itong large-scale event na dinaluhan ng may 850 lider mula sa mga relihiyon at lipunan.
Ani Ven. Sok Bunteuun: “Sa event na ito, 215 ang lumagda sa isang pledge para sa religious peace at para ipagpatuloy ang paglahok sa mga susunod na exchange program. Isa itong makasaysayang sandali kung saan pinili ng mga religious at social leaders ito para sa kapayapaan.” Dahil dito, pinaplano niyang magdaos ng isang “Religious Peace Education Camp” sa Enero ng susunod na taon upang palawigin pa ang saklaw ng peace cooperation.
Kasunod ng case presentations, lahat ng religious leaders na dumalo sa 3rd Special Lecture nag-recite ng isang resolution, kung saan sinabi nila: “isakatuparang ang misyon na palaganapin ang kapayapaan at katotohannan at gabayan ang sangkatauhan patungo sa kaligtasan,” bilang kanilang pangako para sa kapayapaan.
Ayon sa isang opisyal ng Shincheonji Church of Jesus , “Pinatutunayan ng special lecture na ito na hindi kasulatan sa isang relihiyon ang Bibliya, sa halip, naglalaman ito ng universal na katotohanan para sa sangkatuhan. Nagsisilbi itong isang pagkakataon upang maunawaan ang pananampalataya ng bawat isa sa pamamagitan ng Salita at pagpapanumbalik ng kapayapaan at pagkakaisa, ang simula’t sapul ay misyon ng relihiyon.
Binigyang-diin ni Chairman Lee Man-hee, “Kailangan nating pagnilay-nilayan ang ating nakaraan nang pinuna natin ang isa’t isa at lumayo sa niloloob ng Diyos, tayo’y muling ipanganak bilang mga spiritual leader na naninindigan sa orihinal na kahalagahan ng pagpapalaganap ng katotohanan at pagkamit sa kapayapaan. Kamtin natin ang kapayapaan, na siyang pinapag-asa ng Diyos at natin, sa pamamagitan ng dayalogo at komunikasyon.”