Advertisers

Advertisers

Si Bato, ang Bata at si Bondying

0 1,852

Advertisers

Ito ang mga sumisikat sa social media na bansag sa mga pulitikong ngayo’y nagti-trending dahil sikat na sikat na sila sa kanilang pamamaraang di na kailangang magbayad pa ng PR machinery dahil sa kanilang kagagawan lang e sobra-sobra namang maging most “rich and famous” in some sense, o di kaya e “a total disgrace in the now Philippine political scene?!”

Si BATO ay nakaprente na ngayon sa kanyang lungga…naghihintay ng liwanag…o “dilim” para sumungaw saan man siya dalhin ng tadhana dahil sa napipintong mansamiento de aresto na ipatutupad ng International Criminal Court sa The Hague, Netherlands. Samut-saring pananaw ang mababasa mula sa mga natutok sa kanyang kaso na may relasyon sa case against humanity ni Mister Rodrigo Roa Duterte na kasalukuyang napipiit sa ICC facility sa Netherlands.

Maigi pang sumuko sabi ng ilang me compassion pa kay Bato — naiisip nila na mas magiging kampante pa si Bato na isuko ang sarili sapagkat “untenable “ na sadya ang kanyang situasyon kapag naganap ang inihiging ni OMB Boying Remulla na hinihintay na lang ang pormal na arrest warrant para ito ay ihain ke Bato saan man siya naroon! Ngunit meron ding nagkomento na di maaring i-serve ang warrant ng ICC dahil tayo’y may sariling batas at hindi raw ito papayagan ng Korte Suprema. We’ll see when we cross the bridge—Koyang!



Sa kabilang dako naman, itong si Bata ay sinampahan ng kasong inciting to sedition o sa Tagalog ay tangkang pagpapabagsak ng pamahalaan nuong ika-21 ng Setyembre 2025 sa Mendiola , Manila tungo sa Malacanang Palace. Isang police captain ng CIDG ang umano’y ponente na naghain ng kaso para sa gobyerno laban dito kay Congressman Francisco Barzaaga ng Cavite. Matandaang itong si Bata ang sumisikat na diumano’y nasa panig ng mga ibig magpatalsik ng mga kasalukuyang nasa poder ng kapangyarihan —- ngalang at di masierto ng mga nakatutok sa kanya ang daan tungo sa “ unholy alliance” ng mga partido pulitikal na akmang gumagapang na upang mapalakas ang kanilang layunin sa 2028 elections na darating.

Ang mas malaking ganap sa ngayon ay ang tila di matapos-tapos na imbestigasyon ng ICI na pinamumunuan ni Ex Justice Andy Reyes—si Bondying na kung tagurian ni Bb. Sara ay si dating House Speaker Martin Romualdez at pinsang buo ni PFRMJr…ay di pa rin “pasok” sa mgas kakasuhan tungkol sa ma-anomalyang Flood Control Project na triyones na ang nawawaldas sap era ng bayan. Si pangulo na mismo ang naghimatong na “not as yet”…na ibig sabihin ay di pa nila natutumbok ang connect niya sa anomalya ng siglo ng bansang Pilipinas?!

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">