Advertisers

Advertisers

Banat ni Co tinawanan ng Palasyo

0 7

Advertisers

Muling binanatan ng Palasyo si dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co kasunod ng panibago nitong video laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, katawa-tawa at puno ng inconsistencies ang mga alegasyon ni Co.

Paliwanag ni Castro, walang ebidensiyang iniharap ang dating kongresista at maging ang mga petsang binanggit sa di-umano’y pagde-deliver ng maleta ay hindi tugma.



Binatikos din ni Castro ang umano’y pagbanggit ni Co na P56 bilyon ang napunta sa Pangulo, kahit mismong sa video ni Co ay P25 milyon lang daw ang kanyang dinala.

Pabiro pang sinabi ni Castro na malamang ay nag-abono si Co kaya lumaki ang numero nito. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">