Advertisers

Advertisers

Oyo Boy Sotto umamin, nalulong noon sa alak, sigarilyo, babae at droga

0 248

Advertisers

Ni Anne Venancio

MISMONG si Oyo Boy Sotto ang umamin sa isang episode ng ‘House of D’ nung Nobyembre 7 tungkol sa madilim na yugto ng kanyang kabataan na halos wasakin ng bisyo ang kanyang buhay.

Magkakasama sina Dina Bonnevie, Danica Sotto, Marc Pingris, at Kristine Hermosa sa naturang online show at napunta ang usapan sa katapatan at integridad kung saan naging emosyonal si Oyo habang kinukwento ang kanyang karanasan.

Kwento ni Oyo, aminado siya na minsan siyang nalulong sa iba’t ibang bisyo gaya ng alak, paninigarilyo, pambababae at droga. Dumating umano sa puntong nawala halos lahat sa kanya—pera, ari-arian, at direksiyon sa buhay. Umabot din daw sa puntong ibinenta niya ang limang sasakyan at halos P2,000 nalang ang natira sa kanya sa ATM.

Naalarma umano si Oyo sa kanyang naging sitwasyon. “Kailangan ko yatang bumagsak nang todo para matauhan,” pag-amin niya.

At sa 2 taon na halos wala siyang trabaho, doon niya napagtanto na hindi niya kayang ayusin ang sarili nang siya lang. “Noong sinabi kong, ‘Lord, suko na ako,’ doon nagsimulang magbago ang lahat sa tulong na rin ng aking pamilya.”

Naging inspirasyon umano ni Oyo ang kanyang mga pinagdaanan patungo sa tunay na pagbabago at muling mabigyan ng bagong pag-asa.

Labis siyang nagpapasalamat sa kanyang mga magulang at mga kapatid, lalo na sa kanyang wifey na si Kristine, at sa kanilang mga anak, na aniya’y naging malaking dahilan kung bakit maayos at tahimik ang takbo ng kanyang buhay ngayon.