Advertisers

Advertisers

Tamang kastiguhin si Kiko Barzaga

0 11

Advertisers

SINUSPINDE ng Kamara (House of Representatives) ang isa sa kanilang mga miembro dahil sa mga kagagohan at kabastusang ibinabalandra nito sa social media.

Tama lang ang ginawa ng House.

Oo! Sinuspinde ng Kamara si Cavite 4th District Representative Francisco “Kiko” Barzaga ng 60 days without pay, matapos ireklamo ang huli sa ethics committee.

Ang aksyon ng Kamara laban sa batang mambabatas ay bunga ng pagiging reckless, offensive at irresponsible sa paggamit ng social media flatform. Dinungisan nito ang pangalan, integridad at reputasyon ng institution. Mismo!

Sa ginawang botohan ng mga mambabatas, 249 ang pumabor sa suspension habang 5 ang kontra at 11 ang naduwag magsalita.

Ayon sa Kamara, nilabag ni meow meow (Barzaga) ang Section 141(a), Rule 20 ng Rules of House of Representatives, 4(c) ng RA 6713 (Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Nasabi kong tama ang naging aksyon ng Kamara laban kay Barzaga dahil kung hahayaan nalang nila ang mga katarantaduhan ng batang mambabatas na ito, na tila “sinto sinto” ang pinagagawa, ay marami ang gagaya, mawawalan ng respeto sa institusyon at malamang tuluyan itong mababoy.

Sa mga ginawang kabulastugan ni Kiko sa loob at labas ng Kamara at sa social media, hindi kaya nagsisisi ang mga taga-4th district ng Cavite sa paghalal sa kanya?

Kung ako ang tatanungin, ‘di na dapat ibalik sa kapangyarihan ng kanyang constitutents si Kiko sa 2028. Malayong malayo siya sa pag-uugali ng kanyang mga magulang lalo sa kanyang yumaong ama. Mismo!

***

Bilib na sana ako rito kay Rep. Leandro Leviste ng Batangas sa pagiging vocal niya laban sa korapsyon.

Pero nang ipagtanggol niya sa pagkasupinde si Barzaga ay naisip ko na may ibang agenda ang anak na ito ni Senadora Loren Legarda.

Binabakbakan ni Leviste si Construction Workers Solidarity (CWS) Representative Edwin Gardiola. Mas malaking tuso raw ito kumpara kay dating Ako-Bicol Partylist Rep. Zaldy Co na sangkot sa katiwalian sa maraming infrastructure projects ng gobierno. Pero tila may ibang gusto mangyari ni Leviste. Kung ano man yun… malalaman natin yan ‘pag malapit na ang 2028 national election…

***

Dinedenay ni Laguna 4th District Rep. Benjie Agarao Jr ang mag-asawang kontraktor na sina Curlee at Sarah Discaya. Hindi raw niya kilala ang mga ito. Hehehe…

Ano naman kaya ang rason ng mag-asawang Discaya na banggitin ang pangalan niya sa kickback congressmen? Aber? Makikilala ba siya ng Discayas kung wala silang naging transaskyon? Tsk tsk tsk…

Si Agarao ay isa sa mga mambabatas na pinangalanan ng mag-asawang Discaya na nanghingi ng kickback na hanggang 30 percent sa mga proyektong ibinababa sa DPWH.

Kung hindi kilala ni Agarao ang Discayas, at inakusahan siya ng korapsyon, bakit hindi niya resbakan ang mag-asawang kontraktor? Idemanda niya ng Cyberlibel. Sige nga, Benjie?

Wala naman kasing magnanakaw ang umamin hangga’t hindi natutumbok o nahuhuli. Mismo!