Advertisers
KAYA pala nababalewala ng lokal na kapulisan ng Lipa City, Batangas ang reklamo ng mga residente dahil sa mga pulis diumano ang kabakas sa gabi-gabing sugal sa perya, tulad ng “baklay, drop ball bara at color games”.
Kahit mahigpit ang babala ng acting Philippine National Police (PNP) Chief, Police Leutenant General Melencio Nartatez
na wala siyang sisinuhin sa mga police commander at chief of police na mabibigong patigilin ang illegal gambling sa kanilang hurisdiksyon dahil alam niyang kapado ng mga pulis ang lahat ng sugalan sa kanilang mga lugar.
Sa kabila ng mahigpit na kautusang ito ng hepe ng pambansang pulisya ay nananatiling “untouchable” ang presensiya ng iligal na sugal tulad ng ‘color games, baklay at drop ball’ sa hurisdiksyon ni Lipa City Chief of Pilice PLtCol Aleli Cuyan Buaquen na minamantini umano ng ilang pulis Batangas kabakas ang ilang bigtime na gambling operator si alyas Jayson Tomboy.
Ayon sa sumbong patuloy na namamayagpag gabi-gabi ang illegal gambling na mistulang mini casino na pinagpipiyestahan gabi-gabi ng mga adik at sugarol maging ng mga kabataan ang hindi bababa sa 50 mesa ng “color games, baklay at drop ball na matatagpuan sa Barangay Sabang, Barangay San Sebastian, Barangay Antipolo del Norte at Barangay Sampaguita, Lipa City, Batangas.
Batay sa sumbong na ipinarating sa BALYADOR ng ilang concerned citizen nasa higit limang taon na ang mga sugalang ito sa mga nabanggit na lugar at diumanoy malalim na koneksyon sa mga matataas na opisyal ng Lipa City Police Station at Batangas Police Provincial Office ang mga gambling operator kung kaya’t nananatiling untouchable ang mga presensya ng iligal na sugal na mahigpit na ipinagbabawal ng batas alinsunod sa Presidential Decree 1602 na inamyendahan ng RA 9287.
Sinabi ng mga nagrereklamo kasosyong laway lamang ng bigtime na gambling operator ang ilang pulis Lipa na kino-kunsinti naman umano ni PLtCol Buaquen kaya nagiging bulag ang mga pulis sa siyudad ng Lipa dahil sa proteksyon na ibinibigay sa mga iligalista. Tsk.tsk.tsk…
Tutukan natin ito kaya wag kayong bibitiw!
***
Anumang reaksyon o suhestiyon i-text sa 0936-8625001/0939-7177977 o di kaya mag email: balyador69@gmail.com