Advertisers

Advertisers

‘ES Recto ginawa lang ang trabaho’

0 8,382

Advertisers

INILABAS na ng Korte Suprema noong Disyembre 5 ang sagot sa mga petisyon na nagkuwestyon sa paglilipat ng P60 bilyon ‘excess fund’ ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) noong 2024 pabalik sa National Treasury at sinabing iligal ito. Dapat lang ibalik sa PhilHealth, sabi pa ng korte.

Bilang Finance Secretary bago naitalagang Executive Secretary noon lang Nobyembre 17, matapos sibakin si ES Lucas Bersamin, si ES Ralph Recto ang itinuturonng isa sa mga “mastermind” sa paglilipat ng pondo—na “ibabalik” na (daw) sa 2026 national budget.

Pero teka, sa “unanimous vote” ng SC hinggil sa pagsosoli ng PhilHealth fund, apat sa kanila, sa pangunguna ni Associate Justice Raul Villanueva, ang nasa opinyon na walang kasalanan at hindi dapat “pag-initan” si ES Recto.

Dangan kasi, gumawa ng ‘special provision’ ang 19th Congress sa 2024 budget
(Special Provision 1(d), Chapter XLIII) kung saan pinayagan ng Kongreso ang Department of Finance (DOF) na ilipat ang sobrang pondo ng mga ‘GOCCs’ (government-owned and controlled corporations), sa National Treasury para magamit sa mga proyekto ng gobyerno.

Tandaan na sa ating Saligang Batas, Kongreso ang awtoridad sa paggawa ng pambansang badyet dahil sa tinatawag na ‘power of the purse.’

Bago rin inilabas ni Secretary Ralph ang DOF Circular No. 003-2024 bilang pagsunod sa atas ng Kongreso, humingi—at binigyan—siya ng ‘clearance’ nang Office of the Solicitor General (OSG), Office of the Government Corporate Counsel (OGCC), Governance Commission for GOCCs (GCG), Commission on Audit (COA) at maging ang PhilHealth Board mismo.

Bagaman sinabi sa desisyon ng SC na “wala sa hulog” (labag sa batas) ang ‘special provision’ na inilagay ng Kongreso sa 2024 budget at kahit ang DOF circular na inilabas ni Secretary Recto, umaayon ang mga miron na walang dapat panagutan si ngayon ay ES Ralph Recto.

“Ginawa” lang niya (Recto) ang kanyang trabaho,” pansin pa ni AJ Villanueva.

Hindi rin “nilustay” ang P60 bilyon. Ginamit ang P46.7 bilyon para sa gastusing pangkalusugan, at P13 bilyon naman para sa ‘counterpart financing’ sa mga ‘FAPs’ (foreign assisted projects).

Translation? Sablay ang bintang na ginamit ang pera para sa ‘ghost flood control projects.’

Malinaw ba, dear readers?