Advertisers
MATAGUMPAY na idinaos ang Oathtaking Ceremony / Induction of Officers and new members ng PNP-Task Force Multiplier Anti-Crime (Pasay City Chapter) noong Huwebes,December 11, 2025 sa covered court ng Barangay 194, Pasay City.
Si Pasay City Mayor Imelda ‘Emi’ Calixto ang panauhing pandangal, na pinangunahan ang panunumpa sa mga bagong opisyales at miyembro na pinamunuan ni Eva J. Tulagan, Founder.
Pinupuri ni Mayor Emi ang malaking kontribusyon na nagagawa ng nasabing organisasyon na boluntaryong tumutulong sa PNP upang mapanatili ang katahimikan at seguridad ng nasabing lungsod.
Naging panauhin din sa pagtitipon sina Pasay Police Sub-Station 8 Chief PCAPT Roberto Medrano; PLT. Leo Aguila, siyang representative ni PLTCOL Remedios L Terte, Asst. COP for Operation, Pasay CPS at Barangay 199 Chairman Marlo ‘Super Eagle’ Raymundo.
Binigyan naman ng Certificate of Recognition ang Reporter ng pahayagang ito na katuwang sa naturang organisasyon.
Ang PNP Task Force Multiplier ay tumutukoy sa mga sinanay na sibilyang boluntaryo at grupo ng komunidad ( tulad ng BPAT, Barangay Peacekeeping Action Teams ) na nakikipagtulungan sa Pambansang Pulisya ng Pilipinas upang palakasin ang kaligtasan, kakayahang makita, at pagtugon ng publiko, na kumikilos bilang ‘force multiplier’ upang mapalawak ang abot ng pulisya, lalo na sa pagbabantay sa krimen, trapiko at emergency situations. (JOJO SADIWA)