Advertisers
Ni Favatinni San
DAHIL sa isyung pagbabalik ng P60B sa Phil- Health, may grupo na nagsampa ng plunder kay Ralph Recto na ngayon ay executive secretary ni PBBM.
Pinutakti si Ralph na pahirap sa bayan na binansagang Mr. E-Vat.
E, may nag-interbyu kay Vilma Santos na, “sila ay nasa taas, ay bumibira sa kanila ay nasa baba.”
Bumuhos ang galit ng netizen sa pagsasabi na “naging politiko ka Vilma ay feeling mo kaming mahihirap ay walang reklamo… totoo pahirap ang asawa mo… implement ng bayarin sa tax. Bakit ang mga mayayaman ba ay nagbabayad ng tamang buwis,” aniya na isang tindera sa Kyusi.
Sabat ng isang parlorista, “buti nga may desisyon ang Korte Suprema na ibalik ang pondo sa PhilHealth… marami ang matutulungan na sakit nating kababayan. Si Vilma ay ubod ng plastic, naturingang public servant ay saksakan ng kuripot. Dapat sa mag-asawa ay i-lifestyle check.”
Hayyy, ilan lng ‘yan sa mga sentimyemto ng aking kababayan.
May huling salita na dapat mag-RESIGN si Recto habang may kasong na i-file sa Ombudsman.
Anong damage control gagawin ng kampo ni Ralph at Vilma.
***
LIEYNE MENDOZA MAY CONCERT SA BARCELONA
SIXTEEN years na si LIEYNE MENDOZA ay nagkaroon ng concert sa Tambayan Channel.
Natutok sa kanyang pag-aaral ang unica hija ni mommy Vilma at daddy Resty Mendoza. Dalawang kurso ang natapos ni Lieyne. Heto na ang Pop singer ng Barcelona sa kanyang “A Christmas Spirit, concert and dinner,” with LIEYNE sa Disyembre 27 (as of presstime hinahanap) sa Aquarella Music Restaurant.
Kung sabagay, kering- keri yan ni Lieyne ang daming shows sa iba’t iba lugar sa Spain. Isa pa, isang recording na siya.
Sure, it’s a smash hit.
Congrats Lieyne.