Advertisers

Advertisers

2 PULIS HULING TUMATAYA SA SABONG KAHIT WALANG PERA!

0 26

Advertisers

DALAWANG pulis ang posible makasuhan ng administratibo nang maaktuhan na nasa loob ng cockpit arena sa bayan ng Sulat, Eastern Samar.



Bahagi ito ng direktiba ni Eastern Samar Police Director, Colonel Ernesto Macasil, na nagbabawal sa mga pulis na masangkot sa mga sugal lalo na sa sabong.

Kinilala ang dalawang pulis na sina Ssgt. Bryan Rey Orquia, 43 anyos; at Cpl. Jason Lobrio, 47; parehong nakadestino sa Sulat Eastern Samar Municipal Police Station.



Nalaman na ipinag-utos ang pagdakip sa dalawa base sa report na nakarating sa panlalawigang pangasiwaan ng PNP, na linggo-linggo nasa loob ng sabungan ang mga ito at nakikipagpustahan sa labanan ng manok kahit walang pera.

Nananatili sa Sulat PNP Station ang dalawang pulis habang umuusad ang isasampang kaso laban sa kanila.