Advertisers
NAHAHARAP sa reklamong ‘animal cruelty’ ang isang lalaki nang gahasain nito ang isang kambing sa El Nido, Palawan.
Sa report, nahuli ng may-ari ng kambing ang lalaki na inaabuso ang naturang hayop sa Sitio Lamuro, Barangay Pasadeña.
Nataranta ang lalaki nang sitahin ng may-ari. Nakatakas naman ang kasama nito.
Mahaharap ang lalaki sa kasong paglabag sa Republic Act No. 8485 o Animal Welfare Act of 1998.