Advertisers

Advertisers

PRC FULL FORCE SA KAPISTAHAN NG BLACK NAZARENE!

0 21

Advertisers

Nasa 1,200 volunteers ng Philippine Red Cross (PRC) ang tutulong sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng mga deboto sa Kapistahan ng itim na Poong Nazareno ngayong Enero 9, 2026.

Sa Isang Press conference, inihayag ni dating Senador PRC Chairman Richard “Dick” Gordon handa na sila para sa kapakanan ng milyong deboto na inaasahang makikibahagi taunang kapistahan ng Poong Nazareno.

Maliban sa 1,261 sinanay na volunteer na ikakalat sa lahat ng ruta ng prosisyon may karagdagang 143 iba pang boluntaryo na ipu-puwesto sa strategic locations.

May naka standby din na 19 na ambulansya mula sa National Capital Region chapters, at 20 ambulansya mula naman sa Southern at Central Luzon chapters ng Phil. Red Cross.

Magtatalaga rin ng foot patrol units ng mga medical teams at gagamit ng scooters upang magpi-penetrate sa nagsisiksikang mga tao na nakaantabay sa anumang medical emergencies.

Magtatalaga rin ng mga rescue boats sa kahabaan ng Pasig River para sa mabilisang atensyong medikal may kaugnayan sa anumang aksidente sa tubig.

Isang modular emergency medical unit din ang itatayo na may 10-bed emergency room at isang 50-bed ward para sa mga minor injuries kung saan nakaantabay ang Red Cross medical corps.

Maglalaan din ang PRC ng psychological first aid, family tracing, hydration support at 17 first aid stations at welfare desks sa dadaanang ruta particular na sa Quirino Grandstand, Quiapo Church at iba pang lugr tulad ng Roxas Boulevard, Ayala Bridge at Quezon Boulevard.

Payo naman ni Dr. Gwen Pang, Secretary General ng PRC, sa mga deboto na magsuot ng bagay-sa-okasyon na damit, sunblock screen, magdala ng bottled water at emergency information card.

Panoorin: ang buong pahayag ni PRC Chair Gordon sa comment section. (Edwin Moreno)