Advertisers

Advertisers

SA KONTROBERSIYANG KURAPSIYON ISINAKRIPISYO ANG MAG-ASAWANG DISCAYA?

0 2,325

Advertisers

Sa pagpapahayag kamakailan ni PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR na ang mga POLITICIAN na sangkot sa FLOOD CONTROL PROJECT ANOMALIES ay sa piitan na magseselebra ng PASKO at NEW YEAR na hindi naman nangyari gayong ang CONTRACTOR tulad ng mag-asawang PACIFICO “CURLEE” at CEZARAH ROWENA “SARAH” DISCAYA na nasa piitan ang tila ISINAKRIPISYO at pinalalabas na MASTERMIND sa CORRUPTION gayong ang mga ito’y ginamit lamang ng POLITICIANS para sa PANDARAMBONG sa pondo ng mga GOVERNMENT PROJECT.

Bunsod nito ay matinding pagkadismaya ang dinadanas ngayon ni CURLEE DISCAYA dahil ang nagdurusa ay ang mga tulad niyang contractor na kinasangkapan ng mga CORRUPT POLITICIAN.

Ayon sa isang malapit kay CURLEE na hindi muna babanggitin ang pangalan ay naghayag na.., pakiwari ni CURLEE ay siya na ang nasakripisyo kabilang na ang kaniyang seguridad at reputasyon hinggil sa ginawa nitong pagsisiwalat sa sistema ng katiwalian.., at pinalalabas na sila pa ang BIG FISH na nagtamasa ng
halos P180 bilyon projects gayong ito ay halos higit 20-taon; subalit pinalalabas na parang ngayon lamang nila nakuha ang gayong daan-bilyong halaga ng projects.

Pinabulaanan din aniya ni CURLEE ang mga alegasyong mayroon silang GHOST PROJECTS at sa halip ay nakumpleto nila ang kanilang mga kontrata kabilang ang mga kalsada at mga paaralan.

“We don’t have ghost projects. Most of our projects were audited by the Commission on Audit. If ghost projects existed, it was because someone intentionally set them up to misappropriate funds,” pahayag daw ni CURLEE.

Nagpahayag din umano si CURLEE ng pagsisisi sa nagawa niyang pagpapangalan sa mga politikong umano’y tumatanggap ng mga kickback na aniya ay hindi na lang dapat nilang pinangalanan o nakiayon na lang sila sa sistema; dahil nang isiwalat nila ang CORRUPT PRACTICES ay sila pa ngayon ang lumabas na BAD GUYS.

Pinuna rin umano ni CURLEE ang SENATE INQUIRIES na sumentro na lamang sa mga proyektong mula taong 2022 gayong noon pang 2016 sa nakaraang administrasyon ay umiiral na ang kurapsiyon sa mga politician; subalit pinalalabas na ang isyu ay ngayon lamang nangyayari gayong matagal nang sistema ang kurapsiyon.

Kung hindi umano nila pinangalanan ang mga politician ay hindi sana nakulong din ang kaniyang asawa na ang kanila umanong legal team ay inihahanda na ang mga pagpapatunay na ang kanilang mga project ay naisagawa at nakumpleto.

Gayunman aniya, ang kanilang naging pagsisiwalat ay nagbunga naman ng positibong pagbabago dahil ang mga contractor ngayon ay naging maingat na tulad sa STANDARD OPERATING PROCEDURE (SOP) EXTORTION ng mga POLITICIAN ay nagkakasya na lamang ngayon sa 10% na KOMISYON at nasabi raw ni CURLEE ang.., “Contractors are more careful and less brazen. In that sense, our actions helped expose the system.”

“We may have been blamed, but at least we exposed the SOP extortion and how politicians manipulate projects. Other contractors now see the system for what it really is,” pahayag ni CURLEE ayon sa malapit nitong kaibigan na aniya ay na-single out ang mag-asawang DISCAYA samantalang may mga CONTRACTOR ang hindi sinisiyasat, gayong lahat ng CONTRACTORS ay nagbabayad o nagbibigay ng SOPs.

Sa punto ng ARYA.., ang mga CONTRACTOR ay hindi mamumunini sa pagkopo ng mga GOVERNMENT PROJECT kung hindi aaprubahan ng POLITICIANS o ng mga APPOINTED GOVERNMENT OFFICIAL.., at ang mga CONTRACTOR na may mga depektibong trabaho ay hindi na dapat pang binibigyan muli ng kontrata subalit ang mga ito pa rin ang binibigyan ng maraming kontrata dahil nakakita ng tsansa ang mga GOVERNMENT OFFICIAL sa pagkamal ng salapi.

Ika nga.., huwag ipang-pronta ang mga CONTRACTOR bilang MASTERMIND ng CORRUPTIONS dahil ang mga ito ay hindi naman makakakuha ng kontrata kung walang apruba mula sa GOVERNMENT OFFICIALS tulad ng mga nagsilbing DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAY (DPWH) SECRETARY na kinunsinte ang CORRUPT SYSTEM gayundin sa mga POLITICIAN PROJECTS na kinasangkapan ang mga CONTRACTOR para sa pagkopo ng malaking KOMISYON kesehodang halos 10% na lamang ang matitirang pondo kaya SUBSTANDARD o GHOST PROJECTS ang nagiging resulta sa mga proyekto!

PANAGUTIN ang lahat ng ELECTED at APPOINTED GOVERNMENT OFFICIALS na nagmanipula ng CORRUPTIONS na walang sisinuhin, kamag-anak o kapamilya man ni PRES. BONGBONG MARCOS JR na mapatutunayang sangkot sa KATIWALIAN ay dapat maparusahan batay sa isinasaad ng ating saligang batas!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.