Advertisers
Naniniwla si contractor Curlee Discaya na ginawa silang panakip-butas sa “big fish” ng flood control project sa sistema ng 25% kickback ng ilang korap sa gobyerno.
Ani Discaya, nagsisisi s’ya sa paglalahad ng katotohanan at pagbanggit ng mga pangalan ng mga politiko at kickback system.
Hangad lamang umano nilang mag-asawa sa paglalantad ng katotohanan na wakasan ang bulok na sistema.
Tulad ng lagayan (kickback system) na kinasasangkutan ng ilang mataas na opisyal ng pamahalaan at Department of Public Works and Highway’s.
Subalit sa halip na paboran umano ng pamahalaan ang maganda nilang intensyon sila ngayon ang ginawang “big fish”.
Dagdag ni Mr. Discaya, yong pinalilitaw umano ng gobyerno na P180 bilyon “ghost project” na ngayon lang nila nakuha, ito anya ay proyekto nila sa loob ng 20-taon at walang “Ghost Project”.
Nilinaw din ni Mr. Discaya, na ang kanilang mga proyektong ginawa ay pawang mga kalsada at eskwelahan at dumaan umano ito sa audit ng Commission on Audit (COA) kaya’t malinaw anya na walang “ghost project” tulad ng inaakusa sa kanila.
Ayon pa kay Discaya, tulad ng kanya umanong narinig na balita sa Bicol madali kumuha ng delivery ng pera ang Department of Public Works and Highway’s kaya intensyonal na nagagawa umano ng mga ito ang ghost project.
Dagdag ni Curlee Discaya, sa pagdinig umano ng Senado, hanggang 2022 lang, abot ang flood control onwards.
Wala umano sa usapan na hanggang 2016, ngunit tinamaan anya ang admin congressmen.
Anya, hindi na din pwedeng magdagdag ng mga pangalang sangkot sa flood control project dahil kaalyado na umano ng admistrasyon o ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ang lahat ng Duterte Congressman.
Idinagdag pa ni Curlee Discaya na siguro kung hindi nila pinangalanan yung mga pulitiko na yun, sana yung misis niya hindi nakakulong.