Advertisers

Advertisers

Isko Moreno personal na naghatid ng P117.5M subsidy sa PLM

0 18

Advertisers

Personal na inihatid ni Manila City Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso kay PLM President, Atty. Domingo Y. “Sonny” Reyes Jr., ang P117.5 milyong subsidy sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) sa isang sorpresang pagbisita sa unibersidad nitong  Biyernes, Enero 23.

Ang nasabing pondo ay para sa dalawang hindi nabayarang subsidy period na naiwan mula sa nakaraang administrasyon, bilang bahagi ng agarang hakbang ng lungsod upang patatagin ang pananalapi ng PLM at maiwasan ang anumang pagkaantala sa operasyon nito.

Sa kabila ng naturang release, umaabot pa rin sa P223.75 milyon ang kabuuang hindi pa nababayarang subsidy ng PLM mula sa mga naunang panahon, ayon sa tala ng city finance office.

Sa kanyang talumpati, tiniyak ni Domagoso sa mga opisyal ng PLM na ibabalik at itataas ng lungsod ang taunang subsidy ng unibersidad matapos ang mga taong may mababang pondo.

“Bago ako naging Mayor, nasa P250 milyon ang annual subsidy ng PLM. Sa unang termino ko, itinaas natin ito sa P360 milyon,” pahayag ni Domagoso.

“Ang ginawa naman nila, binaba nila ng P210 milyon, hindi pa binigay. Ngayon, muli nating itataas ang subsidy ng PLM,” dagdag pa niya.

Ayon sa alkalde, prayoridad ng pamahalaang lungsod ang pag-areglo ng mga hindi nabayarang obligasyon, kasabay ng pagbabalik ng tiyak at sapat na pondo para sa pamantasan na matagal nang nakararanas ng problemang pinansyal dahil sa pagkaantala at kakulangan ng subsidy.

Inatasan na rin ang finance team ng lungsod na pag-aralan ang mga pangmatagalang hakbang upang higit pang mapatatag ang kalagayang pinansyal ng PLM, na nagpapahiwatig ng posibleng karagdagang pagtaas ng subsidy sa sandaling maging normal ang iskedyul ng mga bayarin. (BP)

Personal na inihatid ni Manila City Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso kay PLM President, Atty. Domingo Y. “Sonny” Reyes Jr., ang P117.5 milyong subsidy sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) sa isang sorpresang pagbisita sa unibersidad noong Biyernes, Enero 23.