Advertisers
HAWAK nang Pasig PNP ang “Top 7 Most Wanted” sa isinagawang manhunt operation ng mga ito kontra suspek sa Batangas City.
Sa ulat ni Pasig PNP Chief, P/Col. Hendrix Mangaldan, tagumpay na nadakip si alyas “Jeff” 36-anyos sa Brgy., Nagtoctoc, Lobo, Batangas.
Si alyas “Jeff” ay residente ng Brgy., Maybunga sa lungsod ng Pasig at nagtago sa lalawigan ng Batangas para takasan ang kasong paglabag sa RA-7610.
Nadakip ang suspek ng maglabas ng warrant of arrest ang Family Court Branch 12 ng Pasig City na may kasong Act of Lasciviousness ng RA 7610.
Nangyari ang krimen noong Hulyo 16, 2024 ay may kaakibat itong piyansa na P200,000.00. (Edwin Moreno)