Advertisers
BAGO ang lahat, mainit na pagbati muna ng HAPPY BIRTHDAY! kay kapatid na Lea Botones at Silvestre ‘Rambo’ Labay, sa kanilang kaarawan ngayong buwan. Advance greeting naman kay ‘Boss’ Benny Antiporda at sa aming minamahal na ina, si Liwayway, ‘Liway’ Gutierrez.
***
Heto ang kuwento: Dalawang ‘Fil-Chinese na ‘mag-business partner’ ang binigyan ng ‘credit line’ (read: pinautang) ng isang kilalang ‘Universal Bank’ sa halagang P470 milyon.
At dahil malaking halaga, kailangan siyempre ng “prenda” (collateral) para naman masiguro ng bangko na kung magkaroon ng “aberya,” mayroon silang “hahabulin” sa dalawang Fil-Chinese na nangutang sa kanila. Ang collateral? Titulo ng isang malaki at mataas na ‘building’ sa Metro Manila.
‘Yun nga lang, may “kakaiba” sa transaksyong ito dahil ang titulo na ginawang collateral– at tinanggap ng bangko– ay titulo ng building na BALAK pa lang bilhin nung nangutang sa bangko!
“Puwede” na pala ito ngayon sa ating ‘banking system,’ Bangko Sentral Governor Eli Remolona?
Na puwedeng “iprenda” sa bangko ang titulo ng isang gusali o lupa na hindi naman sa umuutang dahil bibilhin pa lang nila mula sa perang ipauutang ng bangko?
Wala nang mauuna pa sa mga bangko kung pagiging tuso, ehek, “maingat” ang pag-uusapan. Ito kasi ang negosyobg koneksyon, laway at diskarte lang ang puhunan.
Ang perang “pinaiikot” nila ay hindi naman kanila dahil pag-aari ng mga ‘depositors’ kaya dapat palaging “maingat” sa pagpapautang kahit kanino man.
Pero sa insidenteng ito, bakit pumayag ang nasabing ‘UniBank,’ na maglabas ng P470 milyon kapalit ang isang titulo na hindi naman pag-aari ng nangutang sa kanila?
Baka naman kasi totoo na ang perang inilabas ng bangko ay bahagi ng daang bilyones na ‘POGO money’ na nakadeposito sa mga bangko?
At ‘yung nangutang ay isang POGO operator na kilala ng bangko kaya kahit kuwestyunable ang collateral na titulo, “pinikitan” lang nung branch manager?
Heto pa ang “kakaiba” dito, Chief PNP Jose Melencio Nartatez: ‘Nung malapit nang “sumabog” ang kabulastugan na ito, ‘yung isa sa mga nangutang, brutal na dinukot at pinatay!
Abangan!