Advertisers
Naniniwala ang grupong Kilos Komyuter at Konsyumer group na palpak ang programa na ipinatupad ng gobyerno na PUV modernization program dahil nalugi ang pamahalaan ng P5 Bilyon makaraang ipatupad ito walong taon na ang nakalilipas.
Sinabi ni Isagani Bogabel tagapagsalita ng grupong Kilos Konsyumer -Komyuter group halos 20 percent lamang ang natugunan ng gobyerno makaraang simulan ang PUV modernization program dahil mahigpit itong tinututulan ng transport group.
Sa ginanap na press conference kanina sa Quezon City sinabi ni Bogabel yung mga unit (modernize jeep) na inaalok ng gobyerno sa transport group ay napakamahal na aabot sa P2.5 milyon paano ito babayaran ng mga operator eh ang mga jeep nila eh wala pang P1 milyon .
“Paano babayaran ng mga operator ang inaalok ng gobyerno na napakamahal na modernize jeep eh yung ibang modernize jeep halos nabubulok na at hindi na magamit: sabi ni Bogabel.
Samantala, kinuwestiyon din ni Bogabel ang pamahalaan sa pag-aatas sa mga tsuper at operators na palitan na ang kanilang mga tradisyunal na jeepney ng mga modernize jeep na sobrang mahal at hindi kayang bayaran ng mga operator at jeepney driver.
Kaugnay nito sinabi ng tagapagsalita ng grupong Kilos Konsyumer-Komyuter na inilunsad nila ang naturang inisyatiba sa gitna ng lumalalang hidwaan at makasariling interes sa pambansang pulitika nais ng grupo na maging boses sila ng milyun-milyong Pilipinong nabaon na sa Limot dahil sa ingay ng mga makapangyarihan.
“Nais naming na maging boses kami ng milyung-milyong Pilipinong nabaon sa limot dahil sa ingay ng mga makapangyarihan” sabi pa ni Bogabel.
Nanawagan din ang Kilos Konsyumer -Komyuter group sa Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na muling pag-aaralan ang programa ng PUV Modernization program ng pamahalaan dahil nabigong konsultahin ang grupo ng transportasyon bago ito ipatupad kung kayat hindi ito nagging matagumpay.
Sinabi pa ni Bogabel na habang ang mga ordinaryong mamamayan ay nagdurusa sa palpak na Sistema ng pampublikong transportasyon. Tayong mga Kyumer ang pagsasanib ng salitang Konsyumer at Komsyuter ay mistulang mga bihag sa isang nakalalasong kapaligiran kung saan mas inuuna ang away sa pulitika kaysa sa serbisyong dapat ay sumasagip sa atin.(Boy Celario)