Advertisers

Advertisers

SUSPENDIDONG OPISYAL NG CUSTOMS NAMATAANG PUMAPASOK UMANO SA TRABAHO

0 11

Advertisers

PATULOY umano sa pag-duty sa kaniyang trabaho ang isang tauhan ng Bureau of Customs kahit pinatawan ito ng suspensyon ng Office of the Commissioner.

Noong January 19 nakita umano sa BOC si Oliver Pacunayen, ang station chief ng Port of Manila – Customs Intelligence Service.

Sinasabing dumalo pa sa pulong sa BOC kaugnay sa anti-smuggling operations ang naturang opisyal.

Ang pulong ay may kaugnayan sa pagkakakumpiska ng PNP HPG sa mga smuggled na yosi.

Wala pa namang impormasyon mula sa Office of the Commissioner kung binawi na ba ni Customs Commissioner Ariel Nepomuceno ang suspensyon kay Pacunayen.

Pero ayon kay Customs Asst. Commissioner Philip Vincent Maronilla, umiiral pa rin ang suspensyon kay Pacunayen at hindi ito nagre-report sa trabaho.

At ang insidente aniya kung saan nakita ito sa BOC ay may kaugnayan umano sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa kaniya.

Sinagot din ni Maronilla ang mga isyu na wala umanong formal written suspension kay Pacunayen.

Paliwanag ni Maronilla, may inilabas na kautusan sa suspensyon kay Pacunayen dahil hindi pwedeng ipatupad ang suspensyon kung verbal lamang ito ginawa.

January 7 nang kumpirmahin ni Nepomuceno ang suspensyon kay Pacunayen dahil sa mga alegasyong sangkot siya sa iregularidad.

Kabilang si Pacunayen sa nabanggit sa liham na ipinadala kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng mga concerned Customs employees, officials at stakeholders na nasa likod umano ng pagtindi ng aktibidad ng smuggling sa mga pantalan sa bansa.