Advertisers

Advertisers

Gilas Pilipinas sinimulan na ang 10-araw na ensayo

0 7

Advertisers

Sinimulan na ng Gilas Pilipinas ang 10-araw na training para sa second window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Ayon kay Gilas head coach Tim Cone na may ilang pagbabago sa line up ng national basketball team.

Kinuha nila para sa ensayo si Justine Baltazar kung saan sa Converge ay mayroon itong average na 14.8 points at 14. 2 rebounds.

Siya ang magiging tulong sa kawalan nina Kai Sotto at Quentin Millora-Brown.

Dasgdag pa ni Cone nagdesisyon si Millora-Brown na hindi muna sumali sa Gilas Pilipinas habang si Sotto ay kagagaling lamang sa injury at mayroong torneo pa ito na lalahukan sa Japan.

Sa unang araw ng sesyon ay dumalo naman si Justin Brownlee,June Mar Fajardo, Scottie Thomson, Calvin Optana, Cjay Perez, Chris Newsome, RJ Abarrientos at Troy Rosario.

Makakaharap ng Gilas ang New Zealan sa Pebrero 26,habang ang Australia naman sa darating na Marso 1.