Advertisers

Advertisers

WALANG DIREKSYON ANG PAG-IMBESTIGA NI SEN. LACSON SA BLUE RIBBON AYON KAY CONG. ERICE

0 18

Advertisers

Binira ni Caloocan 2nd District Rep. Edgar Erice ang umano’y kawalang direksyon ng pag-iimbestiga ni Sen. Ping Lacson sa Blue Ribbon Committee kaugnay ng maanomalyang flood control projects.

Aniya, may mga pinalanganan pa umanong mga opisyal ng gobyerno si Lacson, tulad ng mga Bersamin, pero kalauna’y inamin din niyang wala siyang balak ipatawag sa pagdinig para maimbestigahan.

Giit ni Erice, “Bakit pagka contractor, pinapakulong? Bakit pagka ‘yung maliliit na engineers, pinapakulong—nakakasuhan nang mabilis? Pero bakit ‘pag lumalapit na sa doorstep ng Malacañang, bakit pagka mga gabinete na—humihinto, umiiwas na sa imbestigasyon?”

Dagdag pa ng mambabatas: “Kaya nakakalungkot kung ‘yung ?1.45 trilyon na ito ay hindi maipapaliwanag. Command responsibility ng Pangulo ito.”

Dapat ng itigil ng Senate Blue Ribbon Committee ang imbestigasyon sa flood control scandal nang hindi pa nasasaklaw ang ibang probinsya na may mga proyekto rin sa flood control. Tatlong probinsya lamang—Bulacan, Oriental Mindoro, at Davao Occidental—ang iniimbestigahan ng komite ni Senate Pro Tempore Ping Lacson.

Ayon sa “DPWH leaks” ng Bilyonaryo News Channel, may flood control projects ang lahat ng 82 probinsya.

Marapat sana na inimbestigahan din ang iba pang lalawigan upang matukoy kung may mga ghost, substandard, o incomplete projects na ginawa ng provincial DPWH officials.

Ang 82 probinsya na may flood control projects dapat ding imbestigahan hindi yong pili lang Mr. Secretary Dizon para hindi kayo mahalata.

***

Anumang reaksyon o suhestiyon i-text sa 09397177977/0936-8625001 o di kaya mag email: balyador69@gmail.com