Advertisers

Advertisers

MAY PANANAGUTAN BA?

0 14

Advertisers

KAHINDIK-HINDIK na pangyayari yaong nabalitaan natin na isang lalaking estudyante ang tumalon sa kanyang kamatayan mula sa istasyon ng Light Rail Transit diyan sa may Munoz Station sa may EDSA, Quezon City noong nakaraang linggo.

Sa kanyang pagbagsak sa sementadong kalsada ng EDSA siyempre ay pihadong nasagasaan at nskaladkad pa ang kanyang bangkay.

Ano man ang dahilan ng batang lalaki sa kanyang pagpapakamatay ay isantabi muna natin. Maaring di na niya inisip na sng kanyang ginawa ay makakadamay pa ng iba.

Tulad ng nakasagasa sa kanya. Huwag na rin natin talakayin kung sino man ang may dala ng sasakyan na iyon. Ang mahalaga may pananagutan ba ang nagmamay-ari ng nakasagasa sa nagpakamatay na batang lalaki.

Agad din naman itong inaresto ng otoridad, subalit kalaunan ay pinakawalan din. Dito na umani ng diskusyon ang pangyayari.

Pati ang mga umaresto ay nasalang sa kung ano anong batikos, pagtatanong, at puna. Kasalanan ba raw ng may dala ng sasakyan na masagasaan niya ang nagpakamatay?

May nakulong na nga ba dahil sa hulog ng langit?

Kidding aside, paano natin masasabi na isa itong kaso ng “Reckless Imprudence Resulting to Homicide”? Eh hulog nga ng langit. No, galing pala sa itaas ng LRT at tumalon para magpakamatay.

Ang isang walang kamalay malay na nilalang ay talaga namang ikabibigla ang pangyayari at di maiiwasang masagasaan niya ang bumagsak sa harapan ng kanyang sasakyan habang bumabiyahe. Kung siya ay pinick-up ng pulis sa kadahilanan ng ‘police standard procedure’, ay siguro naman ay tama lamang.

Pero kung ipipiit siya dahil sa pangyayari ay ibang usapan na. Wala sa hinagap ng kanyang pag-iisip na magagawa niya ang pangyayari.

Maigi na rin at mismong ang nga magulang ng nagpatiwakal ay malawak ang pangunawa at di na nagsampa ng reklamo kaya’t napakawalan ang nakasagasa.

Kayo ang tatanungin ko, may pananagutan nga ba?