Advertisers

Advertisers

Bea Alonzo inurong na ang demanda kay Cristy Fermin, Romel Chika at WeNdell Alvarez

0 8

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

Inurong na ni Bea Alonzo ang demanda niya kina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez. Nagkaayos na kasi sila.

Sa pamamagitan ng kanilang “Showbiz Now Na” vlog, ibinandera ni Cristy na napaki-usapan nila ang aktres at tuluyan na nga nitong iniurong ang kasong cyberlibel na inireklamo laban sa kanila noong May 2024.

Kwento ni Cristy, “Kami ay naniniwala talaga na ang komunikasyon ay napakahalaga po sa kahit anong aspeto ng buhay. Dumaan po kami sa mediation. Nakapaglantad po ng sama ng loob si Bea Alonzo sa amin at nauunawaan namin.”

Aminado ang batikang host at manunulat na kaya natagalan rin ang kanilang pag-aayos ay dahil hindi pa tama ang panahon at hindi pa handa ang aktres na tanggapin ang kanilang paliwanag.

Lahad pa ni Cristy, “‘Yung amin pong paliwanag ay tinanggap ni Miss Bea Alonzo. Ang pagpapakumbaba namin, hindi lang po kami pati si Bea Alonzo po, nagpakumbaba. Inintindi niya kami kung paanong inunawa din po namin ang kanyang trabaho.

“Pinaliwanag po namin sa kanya na kahit kailan, wala po kaming ninais na siya’y saktan, siya’y sirain o wasakin. Walang-wala po.”

Kasunod nito ay ang pagpapaabot ni Cristy ng pasasalamat kay Bea at maging sa mga abogado nito.

“Bea Alonzo salamat sa pang-unawa mo sa aming hanay. Kung paanong nirerespeto ka rin namin at pinahahalagahan namin ang iyong sining,”aniya pa.

Bago pa man nagkaayos sina Bea at Cristy, ay nauna nang inurong ni Sharon Cuneta ang demanda niya laban kay Cristy.

Sa showbiz talaga, ay dumarating sa punto na ang magkakaaway ay nagkakayos din after magkausap, magkapaliwanagan, manghingi ng pasensya at magkapatawaran, lalo na kung may pinagsamahan naman.