Advertisers

Advertisers

Katrina Halili nilinaw ang impresyon sa kanya na maldita at mataray!

0 11

Advertisers

Ni Anne Venancio

Nilinaw ni Katrina Halili ang impresyon sa kanya bilang isang maldita at mataray dahil sa mga kontrabida roles na ginampanan niya sa telebisyon, lalo na sa Marimar na pinagbidahan ni Marian Rivera.

Paliwanag ng aktres, “Minsan naman depende sa tao.”

Matapos sumabak sa StarStruck noong 2003, halos puro kontrabida roles na raw ang natanggap niya, kabilang ang Marimar (2007) at parehong Darna versions noong 2005 at 2009.

Sa kanilang vlog, sinabi ni Katrina na proud siya sa character development ngayon ng ama ng kanyang anak na si Katie, na si Kris Lawrence. “Syempre, lahat naman tayo nagma-mature. Basta kami ngayon, gagawin lang namin yung best para kay Katie.”

Marami ang kinikilig sa kanilang dalawa at umaasang magkabalikan sila para lalo pang maging masaya ang kanilang anak.

Nang tanungin si Kris kung may pinanghihinayang ba siya sa hiwalayan nila ni Kat? Aniya, “Yeah, honestly, whatever is happening right now, I love where it heads. Communication lines are open and everything is flowing so beautifully, so let’s just keep it going so everybody’s happy.”

At kung posible nga ba silang magkabalikan? “Why not? Anything is possible siguro if in 10 years we’re both single.”

Giit naman ni Katrina, wala na siyang tampo kay Kris ngayon.

Samantala, masaya umano si Kris na magkasundo ang magkapatid na sina Katie at Lyric.