Advertisers

Advertisers

PRISCILLA DIVORCE NA KAY JOHN

0 21

Advertisers

Ni Beth Gelena

Ikinuwento ni Priscilla Meirelles ang reaksyon umano ni John Estrada sa divorce nila.

Kinumpirma ng estranged wife ng actor na hindi na sila kasal ni John, naghain na raw siya ng diborsyo sa Brazil.

Ani ng dating beauty queen, ipinaglaban niya ang kanilang pagsasama sa loob ng 14 na taon bago nagdesisyong makipaghiwalay siya aktor.

Hindi raw natuwa si John nang malaman nito ang desisyon niyang pormal na wakasan ang kanilang pagsasama. Pagbibigay-diin pa ng former beauty queen, wala na raw siyang nakikitang kinabukasan sa piling ng aktor.

Sa Fast Talk With Boy Abunda, shinare niyang mayroon siyang legal na karapatang maghain ng diborsyo sa ibang bansa at sinimulan na niya ang proseso noon pang 2024.

Pakli niya, “We are no longer married, which means bilang isang foreigner may karapatan ako to divorce my husband… I went to Brazil and started the process of divorcing him. Actually, 2024, I already went to Brazil and I didn’t announce to anyone kasi ayaw kong magsalita ng mga bagay na hindi pa napapatunayan… “Kaya pumunta ako sa Brazil, pinoproseso ko ang mga papeles na kailangan kong iproseso. Nag-iwan ako ng power of attorney sa abogado ko para mag-apply ng diborsyo.

“Para sa akin, wala nang bisa ang kasal, hindi ko na nakikita ang sarili ko na makakasama ko pa rin ang taong iyon sa buhay. Labing-apat na taon akong lumaban at umabot sa puntong hindi ko na kaya at napagtanto ko pagkatapos ng maraming nangyari, ang pinakamabuti para sa akin ay ang sumulong nang mag-isa.”

Nang ipaalam na raw niya kay John ang kanyang desisyon, “Hindi siya masaya. Ang unang pangungusap na sinabi niya ay ‘Pri, bakit ginawa mo ‘yan?’ At sinabi ko sa kanya, dahil gaya ng sinabi ko sa iyo, hindi ko na nakikita ang aking sarili na makikibahagi sa buhay na kasama ka, at sa palagay ko ay wala nang dahilan para manatiling kasal sa iyo kung hindi ko nakikita ang aking sarili sa iyo bilang aking kapareha, bilang aking kasama. Wala akong nakikitang kinabukasan kasama ka.”

Si John ay unang ikinasal kay Janice de Belen, kung saan may apat silang anak — Inah, Moira, Kaila, and Yuan.

Na-annulled ang kanilang marriage noong 2004 and later ikinasal sa Brazilian beauty queen, Priscilla Meirelles in 2011, at may isa silang anak, si Sammanta Anechka.

Her current relationship with John, saying that they remain in communication and continue to work together as co-parents to their daughter.

Sa panayam ni Amy Austria-Ventura sa YouTube channel nito, she explained that their conversations are centered on what is best for their child. She emphasized that both of them make their daughter their top priority despite their separation.