Advertisers
Ni Anne Venancio
Emosyonal si Lella Ford, isa sa mga housemate ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, matapos matanggap ang espesyal na regalo mula sa kanyang kuya na si Daniel Padilla para sa kanyang ika-20 kaarawan.
Sa Day 109 ng reality show, dumalaw si Magui Ford sa Bahay ni Kuya upang iabot ang isang itim na sweater na ipinadala ng aktor.
Mangiyak-ngiyak na ibinahagi ni Lella ang kanyang nararamdaman. “I just really miss my brother so much. I miss all my siblings. Miss na miss ko po talaga sila kasi sobrang close po naming magkakapatid,” aniya.
Ayon naman kay Magui, nais lamang iparamdam ni Daniel ang kanyang suporta sa kapatid. “Gusto po iparamdam ni Kuya DJ na he is there and he is present,” saad niya.
Samantala, ibinahagi rin ni Karla Estrada ang kanyang pagiging proud kay Lella matapos nitong mapanalunan ang Big Jump Challenge kasama si Caprice Cayetano. Dahil dito, kabilang na sila ngayon sa Ultimate 8 ng nasabing reality show.