Advertisers
By Beth Gelena
Nagsalita si Nadine Lustre nang tapat tungkol sa pananaw niya sa pag-ibig sa panayam niya kay Karen Davila.
Ayon kay Nadine, kung sakaling maghiwalay sila ng boyfriend niyang si Christophe Bariou, ayaw na niyang pumasok sa panibagong relasyon.
Wika niya: “If Chris and I… ayaw ko nang mag-jowa. Pagod na ako.”
Dagdag pa niya: “If this is not the last relationship that I will have, I’m probably going to be single for the rest of my life.”
Nilinaw rin niya na masaya siya sa kasalukuyan niyang relasyon at wala siyang intensiyong mahulog sa leading man niyang si Alden Richards sa seryeng Love, Siargao. Nang biruin siya ni Karen tungkol sa posibilidad na ma-in love sa katambal, pabiro niyang sinabi:
“Huwag na. Saka alam mo naman nangyari na ‘yan. Huwag na nating ulitin.”
Ang pahayag na ito ay hindi nangangahulugang may problema sila ni Christophe.
Sa halip, ipinapakita lamang nito na, matapos ang naging karanasan niya sa nakaraang relasyon nila ni James Reid, pakiramdam niya ay kung hindi magtatagal ang kasalukuyan niyang relasyon, mas pipiliin na lamang niyang manatiling single kaysa muling dumaan sa panibagong relasyon.