Advertisers

Advertisers

‘HIMAGSIKAN NG MGA TANGA’

0 8

Advertisers

HINDI namin alam kung ano ang itatawag sa kilos protesta ng mga kasapi ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa kahabaan ng EDSA. Sa pakiwari amin, angkop na tawagin ito na “himagsikan ng mga tanga.” Tanging ang mga wala sa katinuan ng pag-iisip ang dadalo sa pagkilos na magdudulot ng matinding perwisyo sa sambayanan.

Inamin ng pamunuan ng INC na may basbas nila ang sakupin ng ilang libong kasapi at barahan ng ipinadalang bus at pribadong sasakyan ang kahabaan ng EDSA. Sinusuportahan nila si Rodente Marcoleta na nahaharap sa sakdal na plunder at agarang kulong. Matinding trapiko ang dulot ng kanilang kilos protesta at maraming mamamayan ang napeste.

Ayon sa isang kaibigang mamamahayag, maituturing na “domestic terrorism” ang ginawa ng INC. Maituturing ang EDSA bilang daluyan ng kabuhayan dahil ito ang pangunahing lansangan sa gitna ng Metro Manila. Nais patunayan ng kultong tuwad at tiwali na may kapangyarihan sila na wasakin at pestehin ang kabuhayan ng bansa sa ganyang pagkilos.

Sa ganang amin, wala napatunayan ang INC kundi sila ang kulto ng katiwalian, kamangmangan, at kasamaan. Handa sila suportahan kahit ang tiwaling kasapi. Pinatunayan ng mga kasapi na iniurong na nila ang karapatan na mag-isip at sumunod na lang sa “tagubilin” ng mga lider. Kaya mga tanga at mangmang ang kanila kasapi.

***

ANI Kin. Joel Chua ng Maynila, isa sa 11-katao Prosecution Team ng Camara de Representante, hindi kailangan tawagin at iprisinta ng mga taga-usig ang lahat ng mga nakalistang saksi at tapusin ang Articles of Impeachment kung matibay ang ebidensya upang hatulan ng Senate impeachment court si Misfit Sara.

“Kung sa tingin namin, halimbawa ‘yung unang presentation namin nakita namin talagang matibay na matibay na, baka dagdagan na lang namin ng isa pa o dalawa, pagkatapos nun ay tatapusin na namin. So pwede namang mangyari ‘yun,” ani Chua sa isang panayam.

“Hindi po, tatapusin po muna. Halimbawa pagkatapos nung Article 1, pupunta tayo sa Article 2, Article 3,” ani Chua. “Halimbawa sa tingin namin hanggang Article 3 lang, or hanggang Article 2 lang, pwede na naming i-waive ‘yung dalawa, saka pa lamang magbobotohan kada article. So kailangan tapusin muna lahat,” aniya.

***

BALIK tayo sa kilos protesta ng mga INC kasapi, itinuturing namin na ito ang huling tapon ng dice upang ilusot si Rodente sa anumang pananagutan sa batas kaugnay na kanyang pag-amin na tumanggap siya ng P75 milyon bilang “abuloy” sa kanyang kampanya noong halalan ng 2025. May pahayag si Ombudsman Boying Remulla na hindi nasisindak ang kanyang tanggapan sa rali na nagbigay ng matinding perwisyo sa sambayanan.

Batid ni Boying na hindi ito kumuha ng suporta sa sambayanan. Wala itong suporta sa ibang lider. Maliban kay Alan Bitter Cawatano at isang pinatalsik na kongresista na nagpapanggap na pusa (hindi na namin ibibigay ang pangalan niya dahil sisikat lang), walang pumunta o nagbigay ng pahayag ng suporta sa rali ng INC. Walang ibang senador na sumuporta kay Rodente. Nasaan si Fake News Imee, Camoteng Robin, at Pia? Nilibak ito ni Ping Lacson.

May pananaw na nangangamoy destabilisasyon ang rali. Hindi naman. Nagdulot lang ito ng matinding traffic jam. Hindi kaya ng pamunuan ng INC na mag-isip ng mga malalim na pagkilos. Mahilig lang sila na manggulo at ipakitang may lakas pero mga kakaning itik lang sila dahil kapag malalim na isyu, nangangamote sila. Nagpapansin lang.

***

KUMPISAL ito ni Archimedes Marquez, isang kaibigan mula noong nasa hayskul ako sa UST.

I am not bigoted, but I feel somehow offended, as a Catholic, by the “surprise” gathering of INC members at the vicinity of the EDSA Shrine. The INC has a much more spacious and less intrusive area at the so-called Philippine Arena, where they can hold INC members’ rallies, without disrupting traffic at EDSA.

But, why did the INC members hold their early morning political rally adjacent to or even touching the EDSA Shrine, which is fundamentally dedicated to the memories of the first People Power Revolution or EDSA I that was historically inspired by the Catholic hierarchy, led by Jaime Cardinal Sin, and mostly participated in by Catholic lay members – when, at the time, the INC was in full support of the Marcos dictatorship?

Were the INC members not only showing their political clout but also indicating to each and sundry that they could invade and occupy such a hallowed ground as the EDSA Shrine?

It is no secret that the entire INC, from its hierarchy to its membership, despise the Roman Catholic Church and take every opportunity to denigrate the latter’s religious doctrines and leaders. No other church or sect has been as spiteful of the Catholic Church than the INC.

Holding the INC members’ rally in their own turf in Bocaue, Bulacan, would not have the kind of impact that they wanted to create. Rallying at the EDSA Shrine was a different matter. It also does serve as a warning to the anti-Duterte and anti-Marcoleta factions of the Senate and the House that they better behave and favor the two or, else, they will face political consequences, mainly at the polls.

Now, why was I somehow offended? I am not paranoid, but I do imagine the epithets hurled at the EDSA Shrine, the Catholic hierarchy and laity, and the other citizens, whose unselfish sacrifices at EDSA I are memorialized by the Catholic Shrine.

To the INC members, you have your shrine adjacent to the Philippine Arena. go back there and hold as many rallies as you want. You won’t need a permit there and cause any traffic jam to the inconvenience of people who just want to go on with their lives, free from as much hassles as possible.