Advertisers

Advertisers

PAGHAHANDA SA PAGPAPASIPA

0 21

Advertisers

Sa loob ng ilang araw magsisimula ang usaping pampulitika na may hugis legal na tatampukan ng mga kinatawan mula sa dalawang kapulungan. Tatayong taga-usig ang mga kinatawan mula sa malawak na kapulungan na patutunayan ang mga inihaing sakdal laban sa abalang pangulo na diringgin ng mga senador na tatayo bilang mga hukom na magpapasya. Walang pagalingan na magaganap sa paghaharap ng mga kinatawan, sa halip makakatapat ng mga taga-usig ang tagapagtanggol ng abalang pangulo na pasubalian ang mga hinaing akusasyon laban sa huli. Sa totoo lang, silip ang kagalingan ng mga kampong magtatagisan ng kaalaman sa batas na lalakipan ng mga dokumentong magpapatunay o magpapawalang sala sa nakasalang na opisyal. Mahaba ang paghahanda sa usaping haharapin ‘di lang ng dalawang kampo maging ang mga senador na tatayong hukom na pumasok sa pagsasanay upang manamnam ang ilalapat na mga argumento sa usaping pagpapasyahan.

Sa mga nakaraang araw, silip ang patutsada ng grupo na batid na tagasuporta ng abalang pangulo sa social media. Silip ang mga pahayag na sala kuno ang galaw ng mga taga-usig higit sa pagkalap ng mga kaukulang dokumento na ‘di dapat o ‘di tungkulin. Hindi pa nagsisimula ang usapin na didinggin ng hukuman ngunit dinig na galawang teknikalidad na tila paghuhubog sa kaisipan ng bayan at senado na sala ang galaw ng mga taga-usig sa mga hakbang na ginagawa. At sa ilang pagkakataon, ipinipintura ng kampo ng abalang pangulo na tila pinakain ng alikabok ang punong taga-usig nang makaharap ang kapwa babaeng tagapagtanggol ng inuusig. Na sa totoo lang, isang “fake news” ang banggit na kapahayag mula sa ‘di mabatid na pinanggalingan.

Sa pagmamasid, ganap na ‘di lang sa apat na sulok ng hukuman ang nagaganap ang paghahanda sa usapin ng pagpapasipa sa abalang pangulo, silip na maging sa media’t social media dumadaloy ang paghahanda o masabing nagsisimula na ang tagasan sa paglalabas ng usapin upang hubugin ang isipan ng bayan. Ang paglalabas ng mga pahayag ng pabor o ‘di pabor sa magaganap na pagdinig ang karaniwang masisilip sa media o social media. Umaasa na sa darating na araw iigting ang palitan ng pahayag sa media’t social media ang magkabilang panig na silip ang panalo sa usapin kahaharapin. Hindi pa nagsisimula ang pagdinig, ‘hindi na mapigil ang magkabilang panig sa pagkondena sa galawan o pahayag gayung inihahanda pa ang kapulungan o sala ng senado. Ang kagandahan, nagigising ang bayan sa kahalagahan ng usaping nasa harap na dapat pagpasyahan ng tama sa kagalingan ng nakakarami.

Sa paghahanda sa usapin, hindi titigil ang bawat panig sa paghahanap ng katotohanan upang iharap sa hukuman ng senado ng magkaroon ng tamang pasya. At ‘di lang sa hukuman ng senado ang magaganap na pagpapabatid ng katotohanan sa usapin, higit ang paghaharap sa usapin sa taong bayan nang maging katanggap-tanggap ang kalalabasan. Silip na may mga grupong ‘di tuwirang kasama sa usapin ang gumagalaw upang magpapakita ng suporta sa magkabilang panig ng makuha ang pag-ayon ng bayan sa usaping haharapin. Maigting ang paghahanda higit sa bahagi ng tao o grupong ‘di tuwiran ang pakikilahok sa paglilitis na tumataya para sa sariling kagalingan. Kabi-kabila ang mga pagkilos upang isantabi ang kabilang panig higit sa salang galawan ng pagkalap kuno ng mga kaukulang dokumento.

Maselan ang paghahanda sa panig ng inuusig na silip ang pagtustos na ‘di umaabot sa mga nakikilahok higit sa pagkilos sa labas ng senado. Batid ang maraming pantustos ng abalang pangulo na basang-basa sa dami ng perang pantustos sa mga pagkilos na gagawin at ginagawa. Ang pagtanggi kuno ng isang saksi ng taga-usig ang malinaw na sala ang pag-aakusa at mauuwi sa pag-absuwelto sa usapin ang abalang pangulo. Sa totoo lang, pansariling dahilan o rason ang pagtanggi ng saksi sa talaan ng taga-usig sa takot na muling mabuntal ng butangera ng kaTimugan, eh’ mailalabas ba si Mary Grace Piattos sa panig ng inuusig?

Sa totoo pa rin, walang ‘di magagawa sa ano mang larangan kung may salaping nagpapatakbo sa mga grupong nahuhumaling sa laki ng pantustos ng sinusuportahan na ninakaw sa kabang bayan. Inaasahan na magaganap ang marahas na mga pagkilos upang ipamukha na walang magawa ang mahinang liderato sa bansa higit sa kaMaynilaan sa pagkilos ng naghahanap kuno ng katotohanan. At inaasahan ang gawa gawang impormasyon na magsasangkot sa mga opisyal ng pamahalaan ang dapat na mahusgahan at ‘di ang abalang pangulo. Kilala ang kaTimugan sa paggawa ng mga salang pahayag o pag-aakusa upang makuha ang pag-ayon ng mga bulag na tagasuporta. Walang pagmamaliit sa mga sumusuporta sa abalang pangulo, ngunit ang mamalas ang katotohanan ang ibig iparating at mula doon, magpasya ng tama at sa kagalingan nakakarami.

Sa kasalukuyang kaganapan sa lansangan ng kaMaynilaan, silip ang kulto na ‘di ibig pakasuhan ang kinatawan sa bugok na kapulungan ng pandarambong dahil sa kulay. At asahan na lalaki at magsasanga ang usapin ng kinatawan na dadako sa pahayag ng pagpapalit ng liderato sa bansa. Walang pagtutol na maiayos ang pagpapalakad sa bansa ngunit unahin ang dapat unahin at panagutin ang dapat panagutin. Sakaling makita ang sala ng iba maging ni Jun Singhot ang panagutin ang tamang galaw at ‘di tinututulan. Ang magtuon sa kasalukuyang usapin ang pagtuunan ng ‘di malayo sa ibig na paglilinis.

Ang ibig, makita ang katotohanan sa dulo ng usapin sa bansa ‘di lang ng mga uusig na kinatawan higit ng bawat Pinoy na nag-aambag sa kagalingan bansa. Ang lumiko sa tahakin na ‘di makita ang katotohanan ang salang kilos na ‘di maiibigan. Pawang kagalingan ng bayan ang galawan sa kasalukuyan higit sa magaganap na paglilitis sa salang gawa ng abalang pangulo. Sa totoo lang, ang mapawalang sala ang abalang pangulo ‘di tututulan kung katotohan ang dulo ng salang pag-aakusa. Subalit, ang pagtanggap sa kabila na mahusgahan na may sala ang abalang pangulo, ang pagtanggap ang siyang inaasahan sa bawat panig. Bahagi ang paghahanda sa paglilitis sa usapin ng pagpapasipa sa abalang pangulo at inaasahan ang paghahanda na tatangapin ang hatol na ‘di pabor sa abalang pangulo. At sa huli, umaasa na igagawad ang tamang pasya ayon sa katotohanan na makatarungan sa lahat higit sa bayan.

Maraming salamat po!!!!