Advertisers
By Beth Gelena
Inilaunch na ni Mike Feliciano, salon owner at hairstylist, ang bago niyang nadiskubreng mas nakakapagpagands nang buhok kasama ng kanya ng partner na isa ring businesswoman na si Lovely Martinez, wifey ng former actor na si RJ Martinez, na nagmula sa reality youth oriented show na Star Circle Quest.
Ang business na inilaunch ni Mike ay ang Bris Hair Brush.
Naobserbahan kasi niya na kapag may inaayusan siyang buhok ay may mga problema rin pala sa hairstyling. Tulad ng mga buhaghag na buhok na mahirap suklayin.
Naisip tuloy niyang maglunsad ng sarili nilang hair brush brand.
At sa kanyang pagsasaliksik, nakagawa siya ng dalawang klaseng Bris hairbrush — Bris Classic Hairbrush, pang-araw-araw na hairbrush para sa pag-detangle ng buhok, pagbabawas ng frizz, at banayad na scalp massage at Bris Blowout Hairbrush, Dinisenyo para gamitin habang nagba-blow dry ng buhok upang mas madaling makapagbigay ng volume, smooth finish, at salon-style blowout.
Eto ang ginagamit niyang hair brush sa mga artistang kanya ng naayusan tulad nila Kathryn Bernardo, Bea Alonzo, Jasmin Curtis, Julia Barretto, Maris Racal, Loisa Andalio, Mikee Quintos Lovely Abella, Kim Domingo Meg Imperial, at iba pang mga personalidad.
Si Mike Feliciano ay isa sa mga kilalang celebrity hairstylists sa Pilipinas at regular na naghahandle ng buhok ng mga artista para sa TV shows, endorsements, photoshoots, at red carpet events.
Natanong namin si Mike kung hindi ba mahirap ayusan si Kathryn.
Aniya, mas metikuloso raw si Kathryn sa buhok kesa sa kanyang mukha, pero idiniin niyang hindi raw nila endorser ang aktres at wala pa silang napipili para magendorso ng kanilang produkto ni Lovely.
Aniya, sa ganda ni Kathryn hindi na iyon mahirap lalo pang pagandahin.
“Maganda na si Kathryn kaya kumbaga eh madali na lang siyang lagyan ng make up. Pero ‘yung buhok niya though maganda na rin, metikuloso siya. Kaya naman doon ako napaisip na why not mag-put-up ng own brand ng brush na de-kalidad pero very affordable ang price.”
Ayon kay Lovely, last year pa nila sinimulan ang negosyo at talagang gumawa muna sila ng brand testing para matiyak na de-kalidad ang produktong ibebenta nila.
“Bale last year, nagbenta na kami sa mga friend. Then pina-test namin sa kanila at talagang nagtanong-tanong kami kung kumusta. And lahat sila maganda ang feedback. Kaya ayun, nag-decide kaming simulan this year i-launch na talaga namin para mas marami pa ang makaalam ng product namin,” pahayag ng misis ni RJ.
Dagdag pa ni Mike, isa sa na-observe niya sa inaayusan niya hindi lang sa mga artista na malaking bagay ang hair brush. Kahit nga raw si Kathryn very particular ito sa buhok kaysa make-up.
Bakit nga naman hindi eh, may gandang natural si Kathryn kaya kahit simpleng make-up okey na. Pero pagdating sa buhok, metikuloso si Kathryn.
Kaya roon na nakaisip si Mike na bakit hindi sila magtayo ng own brand ng hair brush na de-kalidad pero very affordable ang price.
Isa kami sa mga naunang nabigyan ng Bris luxury brush at talaga namang nagustuhan namin ito agad. Gumaganda kasi ang buhaghag naming buhok. No need na i-blow-dry pa.
Sabi nga nina Mike and Lovely, Brish Hair designed to smooth, refine, and bring out the effortless shine, every brush stroke feels like a fresh start.
Kaya naman nagkasundo sila ng friend niyang si Lovely na magsosyo sa negosyo at du’n nga nila nabuo ang Bris na may two variants – for dry hair (Lissea) and wet hair (Classea, perfect for detangling).
Naka-try na rin daw ng Bris hair brush ang mga kaibigan nilang sina Dianne Medina, Rodjun Cruz, Empress, at Melissa Ricks.
Pahabol pa ni Mike, “actually si Jasmin Curtis ang nagpakilala sa akin sa mga celebrity kaya napasok ko ang showbiz world.
Dream din daw ayusan si Heart Evangelista, someday gamit ang ipinagmamalaki niyang hair brush.
Ang Bris Hair ay mabibili sa online thru Lazada, Shoppe, Tiktok at sa iba pang online shopping platforms sa affordable na presyo at pwede rin daw ipa-engrave para personalize ang nasabing produkto.