Advertisers
By ARCHIE LIAO
Pumiyok si Ivana Alawi sa mga pambabastos na natatanggap ng mga kababaihan dahil sa kanilang pananamit.
Ayon sa aktres, ang pagrespeto ay hindi dapat nakasalalay sa itsura, pananamit o klase ng pangangatawan ng isang babae.
Aniya, deserved ng mga babae ang irespeto na hindi alintana kung paano nila ipinapakilala o ipinapahayag ang kanilang mga sarili.
Sey niya:’Puro ka pasexy’ ‘Paano hindi babastusin eh tignan mo naman ang suot mo?’ Andaming opinion ng tao about women. Madaming posts patungkol sa damit at dapat sinusuot ng mga babae para sila ay respetuhin.”
“Ang respeto sa babae ay hindi dapat nakabase sa haba ng kanyang pananamit, o kung anong sinusuot niya. Walang anumang kasuotan ang nagbibigay ng karapatan sa iba para husgahan, maliitin, o bastusin ka.”
Sa huli, sinabi niya na mas maganda raw basehan ng pagrespeto sa isang tao ang karakter kesa sa pisikal na anyo.
“Sa dulo ng araw, mas mahalaga ang kabutihan ng puso, ang respeto sa kapwa, at kung paano mo pinakikitunguhan ang ibang tao,” bulalas niya.
“Lahat ng babae ay karapat-dapat respetuhin anuman ang suot, anuman ang hugis ng katawan, anuman ang estado sa buhay.
Wear what makes you happy. Be proud of who you are. Love yourself, Hindi damit ang nagdedefine kung sino ka, Character does.,” pagtatapos niya.
Marami naman ang sumang-ayon sa kanyang stand tungkol sa pagrespeto sa kababaihan.
Si Ivana ay kasalukuyang napapanood sa seryeng “Love Is Never Gone” kung saan kapareha niya si Joshua Garcia.