Advertisers

Advertisers

GOVERNMENT TERTIARY HOSPITAL KAILANGAN SA ANTIPOLO CITY!

0 2,067

Advertisers

Mahigit isang milyon na ang population ng ANTIPOLO CITY ay kinakailangan pa ring dumayo sa kalapit na METRO MANILA dahil sa kakulangan ng dekalidad na serbisyong medikal o government hospital para sa kanilang mga kalungsod.

Sa naging panayam ng PaMaMaRisan-Rizal Press Corps kay ANTIPOLO CITY 2nd DISTRICT àspiring CONGRESSMAN CANDIDATE RED LLAGA para sa darating na SPECIAL ELECTION sa Marso 14, 2026 ay nangangailangan umano ng isang DEPARTMENT OF HEALTH (DOH) GOVERNMENT TERTIARY HOSPITAL ang kanilang lungsod para hindi na dadayo pa sa ibang mga lugar ang mga magkakasakit nilang constituents.

Ang sentro umano ng plataporma ni LLAGA ay ang pagsasaayos ng serbisyong pangkalusugan at pagpapataas ng antas ng pamumuhay ng mga mamamayan dahil sa kabila ng paglaki ng papulasyon ng ANTIPOLO CITY na lumalagpas na sa isang milyon ay marami pa rin ang napipilitang lumuwas sa MARIKINA at QUEZON CITY para lamang makakuha ng de-kalidad na serbisyong medikal.

“Kailang-kailangan na namin ng isang malaking public government hospital sa lungsod upang matugunan ang pangangailangan sa pagpapagamot,” pahayag ni LLAGA.

Bukod sa kalusugan ay plano rin ni LLAGA na isulong ang “MANILA RATE” para sa minimum wage sa kanilang lungsod upang mapantayan ang sahod sa METRO MANILA.

Nais din niyang palakasin ang turismo at magbukas ng mas maraming oportunidad sa digital service work at Virtual Assistant positions para sa mga kabataan at video editors sa lungsod.

Mga ka-ARYA.., ang ANTIPOLO CITY na nasasakop ng RIZAL PROVINCE ay magkakaroon ng special election dahil namayapa kamakailan si ANTIPOLO CITY 2ND DISTRICT REPRESENTATIVE ROMEO ACOP at kinakailangan ay magkaroon ng papalit bilang kinatawan sa 2nd DISTRICT ANTIPOLO CITY at sa mga aspiranteng kumakandidato ay mayorya sa naturang lungsod ang nag-eendorso kay LLAGAS para sa bagong personalidad na magsusulong sa progresong pakikinabangan ng lahat na mga residente sa kanilang distrito!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.