Advertisers

Advertisers

KANDIDATURA NI SARA

0 84

Advertisers

MASYADONG maaga inihayag ni Sara Duterte ang kanyang kandidatura para sa panguluhan sa 2028. Hindi namin nakikita ito upang maging mabisang paraan para sumulong at magwagi. Mas nakikita namin na paraan para mapigil ang galawan sa impeachment sa Camara de Representantes at tuluyan siyang alisin sa isang paglilitis sa Senado.

Delikado ang tayo ni Sara sa Kongreso na may poder upang ma-impeach siya at tuluyang alisin bilang pangalawang pangulo. May apat na impeachment complaint ngayon sa Camara. May sapat na bilang sa mga mambabatas upang muli siyang ma-impeach tulad ng nangyari noong nakaraang taon. Hindi nagbabago ang komposisyon ng Camara.

Kapag nagsumite ng Articles of Impeachment ang Camara sa Senado, hindi namin nakikita na may hadlang litisin si Sara at gisahin sa mga paratang sa kanya. Wala na si Chiz Escudero sa kapangyarihan. Wala na rin ang kanyang mga kakampi upang pigilan ang paglilitis kay Sara. Si Tito Sotto na ang pangulo ng Senado. Hindi namin nakikita na pipigilan niya ang paglilitis.

Nagtatago si Bato dela Rosa. Maaaring sumunod si Bong Go na hindi malaman kung ano ang gagawin upang mapigilan ang galaw sa ICC. Mahaharap sa mga sakdal kaugnay sa flood control scam sina Chiz, Joel Villanueva, at Jinggoy Estrada. Ngayon, hindi sila makagalaw upang muling kampihan si Sara na takot magbigay ng paliwanag kaugnay sa mga bintang sa kanya.

Hindi namin nakikita na magiging madali para sa kanya ang proseso ng impeachment. Kinakailangan niya magbigay ng sapat at kapani-paniwalang sagot sa mga paratang sa kanya. Mukhang wala sa kanyang dugo at ugali ang magpaliwanag. O sadyang hindi siya marunong magpaliwanag dahil wala siyang tiwala sa sarili?

Hindi namin nakikita na magiging madali ang lahat kay Sara. Kung sakaling magkaroon ng paglilitis ang Senado bilang impeachment court, hindi namin nakikita na kakampihan siya ng mga senador. Nanganganib ang negosyo ng mga Villar dahil sa mga bintang ng kapalpakan sa pagnenegosyo. Hindi kakampi sa kanya ang magkapatid na senador.

Tanging si Rodante Marcoleta, Imee Marcos, at Robin Padilla ang magtatanggol sa kanyan sa Senado. Ngunit kilala natin si Marcoleta. Wala siyang tinayuan na tama at sumulong. Sabog mag-isip si Imee. Tanga si Robin sa maraming isyu. Pinagtatawanan sila.

Ngayon, hindi na nag-aalanganin si BBM. Buo ang loob na pairalin ang katarungan. Batid niya na madaling lupigin si Sara dahil hindi totoong magaling ito. Sa kanyang pakiwari, walang itinatagong galing si Sara at umaasa lang sa mga tutulong sa kanya.

Ngayong taon, nakikita namin na aalisin ng Senado bilang hukuman sa tungkulin si Sara. Kapag nangyari ito, hindi siya makakatakbo sa 2028. Mabibigyan niya ng ganap na pansin ang paglilitis ni Gongdi sa ICC. Gayunpaman, hindi namin nakikita na may magagawa siyang tulungan ang ama sa kulungan.

***

Email:bootsfra@gmail.com