Advertisers

Advertisers

Running mate ni Sara, at si Marcoleta na ala-Digongnyo

0 82

Advertisers

MATAPOS ianunsyo ni Vice President Sara Duterte-Carpio ang pagtakbong pangulo sa 2028 national elections, mainit namang pinag-uusapan ngayon ang posibleng maging running mate niya.

Pinagpipilian ang mga kaalyado niyang sina Senador Robinhood Padilla, Imee Marcos, Loren Legarda, Chiz Escudero at Mark Villar.

Say ni Padilla, gusto niya ang Sara-Imee, may nag-post naman sa social media ng Sara-Robin, Sara-Loren, Sara-Chiz at Sara-Villar.

Kung Sara-Imee, mahahati ang supporters ng Marcos. Pero tingin ko mas lamang ang Marcos loyalists na ayaw ng tandem na ito. Kasi ‘di na nila feel si Imee at ayaw narin sa Duterte.

‘Pag Sara-Robin. Katawa-tawa, sabi ng netizens. Magiging pabigat lang daw si Robin kay Sara. Hehehe…

At ‘di okey ang Sara-Chiz. Pareho silang mayabang at ma-ego, mag-aaway lang sila. Tapos may kinakaharap na problema si Chiz, ang kanyang kaso sa Ombudsman tungkol sa kickback sa flood control projects anomaly. Negative ito kay Sara.

Medyo okey ang Sara-Loren. Ang tanong: Gugustohin ba ni Loren ma-under sa katulad ni Sara? Tingin ko, hindi. Ewan lang…

Ang Sara-Villar, puwedeng puwede ito. May resources si Mark at walang masamang tinapay, maliban nalang ‘pag ginisa siya sa flood control scandal na nangyari nung time niya as DPWH Secretary. Say n’yo mga pare’t mare.

Anyway, matagal pa ang 2028. Marami pang mangyayari. Pramis!

***

Natatawa nalang ako sa mga pinaggagawa nitong si Senador Rodante Marcoleta. Ginagaya niya ang istelo ni Digongnyo na kapag nasukol ay biglang kakambyo.

Tulad ng paghamon niya ng debate kay retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio sa isyu ng West Philippine Sea.

Matapos tanggapin ni Carpio ang hamon ay biglang atras ito at sinabing hindi na niya itutuloy ang pakikipagbangayan kay Carpio, at dineklarang ‘guilty’ ang dating mahistrado. Hehehe…

Kung naaalala n’yo noong kinatawan siya ng SAGIP party-list, nakipagdebate rin siya kay Edcel Lagman about sa “Till death do us part” na ito raw ay nasa biblia.

Pero nang kasaan siya ni Edcel na magabas ng resibo kung ito ay nasa biblia, biglang kambyo si Marcoleta. Mahina raw ang internet sa session hall kaya winiwidro nalang niya ang kanyang interpelation. Hehehe…

Sa isang programa sa telebisyon, tinanong si Carpio kung irarangking si Marcoleta sa mga abogado, ang sagot ni Carpio ay low class lawyer ang senador. Aray ko!

Si Marcoleta ay nahaharap sa isang reklamo sa Comelec tungkol sa pagsisinungaling sa kanyang SOCE, na ‘di tugma sa dineklara niya sa kanyang SALN. Ang desisyon ay maaring lumabas sa sunod na mga araw, sabi ng Comelec.

Pag minalas-malas, madi-disqualify si Marcoleta…