Advertisers

Advertisers

Buhain ang Leviste!

0 11

Advertisers

Sa isang Facebook reel ay makikita ang kontrobersyal na si Cong. Leandro Legarda Leviste na nagbabasketball.

Sa naturang post ay bumubuslo siyang mag-isa. Halatang hindi gaanong marunong maglaro. Makikitang sinusubukan niyang maka- shoot sa basket. Nasa mga 10 feet ang layo niya sa goal pero yung ikatlong tira lang ang naipasok ng anak ni Sen Loren Legarda.

Sa Lunes ay espesyal na bisita natin sa programang OKS sa DWBL si Eric Buhain, ang tinalo ni Leandro sa pagkakongresista ng unang distrito ng Batangas.

Tingnan natin kung bukod sa sport niyang swimming ay may masabi si Buhain tungkol sa humalili sa kanya sa puwesto. Mula pa sa biyenan niyang si Eduardo Ermita at asawang si Eileen ay pamilya nila ang may hawak ng bahaging ito ng lalawigan.

***

Pumutok na ang isyu hinggil sa bayaran sa paglalaro sa Gilas.

Ito ay matapos hindi mapabilang sa pambansang koponan sa FIBA qualifier ngayong buwan sina Kai Sotto at si Quintin Millora Brown.

Malaking tulong sana ang sila bilang sentro lalo’t kalaban ay ang matatangkad na mga mama ng New Zealand at Australia.

Diumano’y naliliiitan sa alok ng SBP ang mga kampo ng dalawang higanteng Pinoy.

Wala na talaga ang panahon na makasama ka lang sa national team ay sapat na sa isang basketbolista.

Oo naiintindihan natin na kailangan may suweldo sila ngayon dahil mga pro sila.

Nguni’t sana ay nakipagkasundo sila sa halagang mas mababa upang matulungan ang sariling bayan.

Eka nga ni Pepeng Kirat ay siya maglalaro kahit walang sahod basta para sa Pinas. Oo libre raw kaso hindi siya kasing husay ng naturang mga cager. Hehe.

***

Posible pa ring malaki kitain ni LeBron James sa susunod na taon kung ito na na huling taon niya sa liga.

Pipirma siya ng mas mababang halaga kaysa dati pero tatanggap si LBJ ng bayad sa magkokober ng farewell tour niya na gagawing serye.

Ke manatili siya sa Lakers o bumalik sa Cavaliers ay magagawa niya ito. Win-win na sitwasyon sa kanya at sa kanyang team.

Yan ay kung magreretiro na nga si Da King.