Kasama Ng Buong Pamilya! Famous Vlogger Daddy Bonoy Gonzaga, Celebrates His 71st Birthday; Dovie San Andres, Excited Palagi Sa Kanilang Family Bonding Sa Canada
Advertisers
Ni Peter S. Ledesma
Kung last year, ay sa malawak na Ballroom ng Edsa Shangri-La nagdaos ng kanyang birthday si Daddy Carlito “Bonoy” Gonzaga na super well attended. This year, ay sa NARA Thai Resto sa Molito Alabang naman nag-celebrate ng kanyang 71st birthday ang famous na ring vlogger na si Daddy Bonoy na inyong mapapanood sa BoPin Vlog with his wife Mommy Pinty Gonzaga. In all fairness, maging sa Reels at Tiktok along with their daughters Toni &, Alex Gonzaga ay sikat rin ang said couple sa kanilang mga sayaw.
Going back to his birthday party kahit na intimate lang ito. Kita sa mukha ni Daddy Bonoy na he’s very happy na kasama ang buong pamilya niya. Also his grandchildren to his daughter Toni na sina Seve at Polly. Present rin sa party ang kanilang son in-laws na sina Direk Paul Soriano at Lipa Batangas Vice Mayor Mikee Morada. Ganoon din ang ilang kapatid ni Daddy Bonoy at 95 year old na biyenan na si Johnny na father naman ni Mommy Pinty na malakas at healthy pa. Present din ang team nina Toni at Alex sa kanilang mga Vlog. May hihilingin pa kaya sa Diyos si Daddy Bonoy? Sa aking palagay kung meron man ay hindi ito materyal na bagay dahil matagal na silang stable na sila ni Mommy Pinty. Nakapaglingkod na rin siya sa kanyang mamamayan sa Taytay, Rizal nang maglingkod siya rito bilang Vice Mayor ng ilang terms. Kaya sa aking pakiwari ang kahilingan, niya ay para na lang sa kanyang mga anak at apos. At siyempre bigyan sila ng mahabang buhay pa ni Mommy Pinty. Happy Birthday Belated Daddy Bonoy.
***
Kasama ng social media Personality na si Dovie San Andres sa bahay sa Vancouver, Canada ang dalawang anak na sina Duke at Elrey Binoe Alexander. Habang ang isa pang anak na si Dean ay matagal ng may sariling pamilya kasama ng teacher wife na si Dominique at 2 kids na sina Xander at Zayden.
Ang maganda rito kay Dean, ay kahit family man na siya, ay naglalaan talaga siya ng oras na maka-bonding ang kanyang Mommy Dovie and his brothers Elrey Binoe and Duke and father nila na si Alec. At kasama lagi ni Dean si Dominique at sina Xander at Zayden tuwing bumibisita sila sa bahay ng kanyang Mom Dovie. At may parati silang may dalang food like Pizza, Pasta, Chinese Food, Tacos, etc na sa pagsasaluhan nila sa kanilang regular family bonding. Minsan ay nagluluto rin si Dovie ng kanilang favourite food. Yes, parating excited ang Bff at Sis kong si Dovie tuwing alam niyang darating si Dean at pamilya nito.
Yes Dovie, is very lucky na Love siyang pareho ng tatlong anak. At ramdam niya ang care at concern ng mga ito sa kanya lalo na ngayong may sakit siya. Ang Diyos, mga anak, apo, si Alec ang inang nasa langit na ang kinakapitan ni Dovie, para magkaroon ng pag-asa pa sa buhay. Lalo’t binabalewala siya ng isang kapatid na napaka- selfish. Yes tulad ng dati ay normal pa rin ang buhay kay Dovie. Nagagawa pa rin nito ang mga gawaing bahay tulad ng paglilinis, na para sa kaniya ay nagsisilbi na niyang exercise sa araw-araw. Nakakapag-vlog rin siya sa kanyang official Facebook Page lalo na kapag may free time siya. Infairness may mga commercial na ang Vlog ni Dovie. Well good luck and more content, for your viewers.