Advertisers

Advertisers

NENE CHING GINAWARAN NG LUNGSOD NG MAYNILA PARA SA LAKBAYAW FESTIVAL

0 164

Advertisers

Sa unang pagkakataon, pinarangalan ng Lungsod ng Maynila si Angela “Nene” Lopez Ching para sa kanyang malaking kontribusyon sa pagpapanatili at pagpapalakas ng kultura at tradisyon ng Lakbayaw tuwing Kapistahan ng Sto. Niño de Tondo.

Opisyal nang inaprubahan ng Manila City Council nuong 29 Enero 20026 ang:



“RESOLUTION NO. 46, SERIES OF 2026 – RESOLUTION EXPRESSING PROFOUND RECOGNITION, COMMENDATION, AND GRATITUDE TO MS. ANGELA ‘NENE’ CHING AND HER FAMILY, FOR THEIR FIFTEEN (15) YEARS OF DEDICATED SUPPORT AND STEADFAST LEADERSHIP IN SUSTAINING THE LAKBAYAW COMPETITION FOR THE TAMBULERO AND CULTURAL DANCE SHOW, IN HONOR OF THE STO. NIÑO DE TONDO FEAST DAY, THROUGH THE PROGRAM ‘PASIKLABAN SA TONDO,’ THEREBY STRENGTHENING THE TRADITION, CULTURE, AND HISTORICAL IDENTITY OF TONDO, MANILA.”

Ang resolusyong ito ay isang pormal na pagkilala sa labinlimang (15) taon ng tuloy-tuloy na suporta, liderato, at malasakit ni Nanay Nene at ng kanyang pamilya sa pagpapanatili ng isa sa pinakamahalagang cultural celebrations ng Tondo.



15 TAON NG PASIKLABAN SA TONDO

Sa loob ng 15 taon, walang tigil na nagsagawa ng kompetisyon si Nanay Nene at ang kanyang pamilya — kabilang sina Jay Ching Pineda, Don Robert Gaza, Macmac Ching, Joey, Angge, Joseph, Melba, Benzon, Margie, Grace, Anie, Junior at kanilang mga asawa’t anak — sa pamamagitan ng “Pasiklaban kay Nene Ching Street Dance Festival Competition” na ginaganap sa Varona Street, Tondo, Manila.



Kabilang sa mga pangunahing bahagi ng selebrasyon ang Lakbayaw Competition na kinabibilangan ng cultural dance, pagsayaw sa kalye  at pagtugtog ng mga mananambol sa kalye. Sa pamamagitan ng Pasiklaban sa Tondo, napalakas ang partisipasyon ng mga batang Tundo, kabataan, at mga cultural performers, habang patuloy na pinapangalagaan ang identity at kasaysayan ng Tondo.

OPISYAL NA PAGKILALA NG MANILA CITY COUNCIL

Ang Resolution No. 46, Series of 2026 ay isinulat at inakda ng mga Konsehal ng Unang Distrito ng Tondo na sina, Hon. Rosalino “Jhun” P. Ibay, Jr., Hon. Dra. Irma C. Alfonso-Juson, Hon. Joaquin Andre “JD” D. Domagoso, Hon. Jesus “Taga” E. Fajardo, Jr., Hon. MC Bobby G. Limyuen, Hon. Erick Ian O. Nieva, Hon. Enriqueta “Erika” O. Platon,  Hon. Raymundo “Mon” R. Yupangco – Majority Floor Leader. Kasama sa sumuporta sa resolusyon ay sina Vice Mayor at City Council Presiding Officer Hon. Angela “Chi” Atienza at Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

Sa pamamagitan ng resolusyong ito, kinilala ng Lungsod ng Maynila ang mahalagang papel ng pangmatagalang cultural leadership sa pagpapanatili ng tradisyon, pananampalataya, at pagkakakilanlan ng mga taga-Tondo.

HIGIT PA ISANG PARANGAL

Habang maraming nagbabago sa panahon, may mga taong pinipiling manatiling matatag sa pagprotekta at pagpapalakas ng kultura at tradisyon ng Tondo.

This is more than a recognition.

It is the City of Manila officially honoring a woman who helped keep the cultural heartbeat of Tondo alive.

Isang patunay na ang tunay na serbisyo ay hindi nasusukat sa titulo, kundi sa consistency, sakripisyo, at malasakit sa bayan.

ISANG PAMANA PARA SA MGA BATANG TONDO

Ang Lakbayaw Competition at Pasiklaban sa Tondo ay hindi lamang taunang selebrasyon. Ito ay naging bahagi ng cultural system natin — isang tradisyong nag-uugnay sa pananampalataya, sining, at pagkakaisa ng mga taga-Tondo.

Sa pagkilalang ito, mas lalo pang pinagtitibay ang pangangalaga sa kasaysayan at kultura ng Tondo para sa susunod na henerasyon.

Maraming salamat po Nanay Nene at sa buong Ching Family sa napakalaking ambag ninyo sa Tondo.

– Louis Ryan Angeles, February 2026

Published by: Joey Venancio