Advertisers

Advertisers

4 MIEMBRO NG PAMILYA NALIBING NG BUHAY!

0 47

Advertisers

NATABUNAN ng gumuhong lupa ang isang pamilya na may apat na miyembro sa Purok Matingo, Upper Sala-zar, Barangay Central sa Mati City, Davao Oriental nitong Biyernes ng madaling-araw, Pebrero 20.
Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection-Mati City Fire Station nang matanggap ang ulat.
Nakipagtulungan ang mga ito sa City Disaster Risk Reduction and Management Office na nanguna sa retrieval operations sa lugar.
Makalipas ang ilang oras na paghuhukay sa ilalim ng toneladang lupa at debris, narekober ang mga labi ng isang lalaking nasa hustong gulang, isang buntis at kanilang dalawang anak na babae.
Ayon sa BFP, mahigpit na ipinatupad ang mga safety protocol habang isinasagawa ang operasyon dahil sa mapanganib na kalagayan ng lugar.
Hindi pa inilalabas ang iba pang detalye habang hinihintay ang abiso mula sa kaanak ng mga nasawi.