Advertisers

Advertisers

Bantag nasa Pinas lang

0 52

Advertisers

KINUMPIRMA ng Bureau of Immigration (BI) na hindi pa nakakalabas ng bansa si dating Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag.
Si Bantag ang itinuturing na mastermind sa pagpaslang sa mamamahayag na si Percy Lapid noong October 2022.
Ayon kay Immigration spokesperson Dana Sandoval, walang rekord ng paglabas ng bansa si Bantag.
Nauna nang ipinag-utos ng Department of Justice sa BI na ilagay ang dating BuCor Chief sa Immigration Lookout Bulletin Order at may Hold Departure Order narin laban sa kaniya mula sa Muntinlupa City Regional Trial Court noong 2023.
Nahaharap si Bantag sa kasong murder sa Las Piñas RTC pero naka-archive ito hangga’t ‘di ito lumulutang.
Nitong Biyernes, sinabi ng PNP-Cordillera na wala silang impormasyon sa kinaroonan ni Bantag, na itinuturing nang pugante.
Ayon kay Brigadier General Ericson Dilag, Regional Director PRO-COR, wala silang nakakalap ng mga impormasyon ng presensiya ni Bantag sa Cordillera.
Sa huling ulat, si Bantag ay nagtatago lang umano sa Cordillera kungsaan marami itong kamag-anak at ka-tribu.
Naunanang sinabi ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ma makapal ang kamag-anak ni Bantag, na maari niyang pagtaguan.(Jocelyn Domenden/Mark Obleada)