Advertisers

Advertisers

HR manager ng Palawan airport patay sa ambush

0 54

Advertisers

NASAWI ang isang opi-syal ng Puerto Princesa International Airport nang pagbabarilin ng riding in tandem habang papunta ng simba-han sa Puerto Princesa City, Palawan, Miyerkules ng hapon.
Sa ulat ni Puerto Princesa City Police Chief, Colonel Cristie Tabi, kinilala ang nasawi na si Joanna Infante, dating acting manager ng Puerto Princesa City International Airport at kasalukuyang human resources manager ng operations office ng nasa-bing paliparan.
Sa ulat, nang mangyari ang insidente sa Bayview Road, Barangay San Pedro ng lungsod.
Sa kuha ng CCTV footage, naglalakad ang biktima patungo sa simbahan nang sundan ng naglalakad na gunman at binaril ng sunud-snod sa likod ang biktima. Kaagad tumakas ang salarin sakay ng motorsiklong naghihintay sa kanya.
Agad namang isinugod sa ACE Medical Center ang biktima, pero ‘di na ito nailigtas ng mga doktor.
Nabatid na bago ang pa-mamaril kay Infante, nakatanggap na ito ng sunud-su-nod na death threats.
Samantala, may sinusundan nang lead sa krimen ang imbestigasyon ng Special Investigation Task Group ng Puerto Princesa City Police Office
Ayon sa tagapagsalita ng City Police Office, Captain Bryan Rayoso, may mga hawak na silang mas malilinaw na CCTV na magiging daan upang makilala at tuluyang mapangalanan ang kanilang ‘person of interest’.
Tinitiyak muna ng pulisya na matibay ang hawak nilang ebidensya bago ito tuluyang pangalanan.
Maging ang CCTV sa kotse ng biktima ay nakunan ang motorsiklo na sumubaybay sa kanya bago ito pinaslang. Pinag-aaralan na ito ng pulisya.
Kasama sa tinintingnan na anggulo ng pagpaslang kung may kaugnayan sa kanyang trabaho.
Inaasahan ng SITG na sa lalong madaling panahon makikilala na ang salarin.