Advertisers
HINDI maiwasan na madismaya si National Police Commission (NAPOLCOM) Commissioner, Atty. Rafael Cali-nisan, dahil sa ginawang pagsisinungaling ng dalawang pulis na nakatalaga sa Manila Police District.
Sinabi ni Calinisan, malinaw na nagsinungaling sina Patrolman Jerome Toledo at Patrolman Algrene Alcause nang sabihin na nasira ang minamaneho nilang patrol car ng MPD sa gitna ng kal-ye, na gumawa ng malaking trapik.
May kaugnayan ang insidente sa pagkalat ng video na hinarangan nila ang motorista sa kahabaan ng Taft. Avenue sa Manila.
Makikita sa video na hindi umabante ang patrol car kahit na naka-go na ang traffic lights.
Una nang sinuspende ng Land Transportation Office (LTO) ng 90-araw ang lisensya ng mga pulis na sangkot.
Sinabi ni Calinisan na kaniyang pinag-aaralan kung ano ang kasong maaring maisampa sa mga “loko-lokong” alagad ng batas.